Sabado ngayon at wala kaming pasok. Nakatambay lang ako dito sa bahay. Tumawag sakin si Dorill kanina at sinabing magkita daw kami sa mall dahil may problema daw si Jaema.

"Arra dito!"

Nakita ko sila sa isang table dito sa foodcourt pero bat kasama si Russell? Kasama na ba sya sa circle of friends ko. Napansin kong umiiyak si Jaema.

"Problema?"

"Break na kami ni Jason" sabay iyak nya.

"Sinong nakipagbreak?" Tanong ko.

"A-ako." Humagulgol na naman sya.

"Tanga!"

"Arra!" Pagbabawal sakin ni Dorill.

"Bakit totoo naman ah? Ikaw ang nakipagbreak tas ikaw ang iiyak?"

"Di naman ako iiyak kung di ko nabasang may ka-iloveyouhan ssya eh."

"Isa pang tanga yang si Jason,magtutwo time na lang yung mahuhuli pa. Tsk!"

Humarap ako kay Russell,"bat ganyan kayong mga lalaki? Liligawan nyo tas sasaktan nyo? nakakainis!"

"Àba! Malay ko sakanila? Di naman ako ganun."

"Weh?" Sabay-sabay pa kaming tatlong babae.

"Oo kaya!"

"Kaya pala nasampal ka ni Mich nung isang araw."

"Ha?! Feeling naman nun girlfriend ko sya. Tas palibhasa ang gwapo kaya akala ng nga nilalapitan kong babae girlfriend ko na sila."

"Ay nako Jaema! Ibuhos mo na lang kay Russell yung galit mo kay Jason. Juicecolored ayoko magkasala."

Nagtawanan na lang silang tatlo. Napansin kong medyo ok na si Jaema.

"Anong plano nyo sa graduation?"

"wala." Sabay-sabay pa sila.

"Walawents tss."

Nilibang na lang namin si Jaema dahil tuwing nagtutulala sya,naiiyak na sya. Ganun ba talaga kasakit yun? Napansin amata ni Russell ang pagtitig ko kina Jaema at Dorill.

"Ganun ba talaga kasakit yun?"

"Oo naman. Kahit ako na lalaki tas yung taong mahal ko makikitaan ko nang ganun,masasaktan din ako." Nakatingin na rin sya sa dalawa

"Kaya ayokong pumasok sa mga ganyan eh."

"Alam mo,hindi kumpleto ang pagmamahal pag di ka nakaramdam ng sakit. Ako,masasabi kong kumpleto na ang nararamdaman kong pagmamahal sa babaeng gusto ko."

"Ha?"

Tumingin sya sakin."

"Matagal na kasi akong nasasaktan, matagal na." Sabay tingin kay Dorill.

Ito,nasasaktan ako. Ito ba yun? Ito ba yung sinasabi nya na sakit? Bakit ganun? Kahit di ko pa sinusubukan ang ganung bagay,nakakaramdam na ko ng sakit? Kumikinang pa ang mata nya habang tinitignan sina Dorill na naglalaro ng basketball.

Di na lang ako nagreact sa sinabi nya dahil hindi ko alam kung mapipigilan ko ang panginginig ng salita ko dahil sa nagbabadyabg luha. Natapos nang maglaro sila Jaema ng maisipan nilang umuwi na.

Una naming hinatid si Jaema dahil sya ang unang bahay na madadaanan namin dito sa subdivision.

"Ano Russell? Sasabay ka ba kay Arra?" Sabay tingin sakin ni Arra tsaka taas baba ng kilay.

"ah! Hindi na,dadaanan ko pa yung kaibigan dyan sa street nyo? Sabay na ko sayo." Nakatingin lang sya kay Dorill.

"Ay! Ganun? Sige friend,ingat ka!"

"Ingat din kayo!"

Nauna na kong tumalikod. Sabay patak ng luha na kanina ko pa pinipigilan. Simula elementary gusto ko na sya, ang sakit lang na yung bestfriend mo pa ang gusto nya.

Unti-unting nabasag ang pag-asang tinatayo ko pa lang sa puso ko. Pag-asang baka magkagusto rin sya sakin tulad ng pagkagusto ko sakanya. Pag-asang meron ngang forever.

walang forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon