Naramdaman mo na ba na ang uniberso ay laban sa iyo?
Na para bang sinasalungat nito ang lahat ng ginagawa mo?
Na para bang mayroon na itong isinulat na salaysay para sa iyo?
Na para bang idinikta na niya sa iyo kung anong karakter ang gagampanan mo sa kanyang maingat na ginagawang kwento?
Nakaramdam ka na ba ng pagkadismaya dahil ganyan nalang ang daloy ng lahat?
Dahil hindi ka makakatakas sa iyong kapalaran?
Dahil kahit anong gawin mo, mananatili pa rin ang lahat sa paraang ito'y sinadya?
Dahil kung ganoon nga ang kaso, tayo nga ba ay tunay na malaya? O naiipit lang tayo sa kwentong ginagawa ng tadhana?
Kung ganyan rin ang iyong iniisip,
Katulad mo lang si Kamatayan.
Naramdaman din niya na hindi siya makapagpasya kung ano ang para sa kanya – hindi ang kanyang pangalan o ang kanyang kalikasan.
Naramdaman din niya na para bang isa lang siyang karakter sa iniingatang kwento nina Oras at Tadhana.
Naramdaman din niya na para bang wala siyang magawa dahil idinikta na sa kanya ang kanyang istorya.
Ngunit, nagdesisyon siya.
Nagpasya siyang hindi na siya magiging bahagi ng Konseho ng Uniberso.
Nagpasya siyang maging kanyang sariling independiyenteng aspeto ng uniberso.
At nagpasya siyang bibigyan niya rin ang mundo ng parehong kalayaan.

BINABASA MO ANG
Panalangin Ko, Pangalan Mo (Fate & Time Series #1)
Historical FictionShe loves designing her own fate, but what if fate designs something for her instead? *** When a feisty and freedom-loving young teacher is thrown into a time of order and control, her beliefs of love, life, and dreams are tested as she meets the co...