Kabanata 2: Ang Misyon

17 1 0
                                    

"Maligayang pagbabalik, Natalia Isabella Salazar."

Nanlaki ang mga mata ko at napaatras ako. "S-Sino kayo?"

"Kay tagal mo rin kaming pinagtataguan. Ikaw ba naging masaya sa iyong pagpapalit ng katawan? Marami ka bang natutunan?" tanong ng lalaki.

Natigilan ako. Paano niya nalaman 'yon?

Tumawa siya. "Bakas sa iyong mukha na hindi mo kami kilala, binibini. Ngunit 'wag kang mangamba, hin—"

"Horacio, tumigil ka nga," putol ng babae na nasa tabi niya. Naglakad siya sa tabi ng kama at sinindi ang lamparang nandoon. Sinindi niya rin ang ibang mga lamparang nasa loob ng kwarto.

Unti-unting lumiwanag ang paligid at doon ko lang napansin ang kanilang kasuotan.

Pareho silang nakasuot ng telang kahawig ng mga sinusuot ng mga diyos at diyosa sa mga mythology. Ngunit, medyo kakaiba ang disenyo ng suot nila. Sa lalaki, binabalot ito ng mga pocket watch na may iba't-ibang laki at disenyo. At sa babae naman ay binabalot ito ng mga hibla ng sinulid na may iba't-ibang kulay.

Napatitig lang ako sa kanila. Tila'y hindi sila galing sa mundong ito.

Bigla kong naalala 'yung babaeng tumulong sa akin four years ago. Nakadamit din siya ng ganito, pero kulay itim 'yung suot niya.

"Ako nga pala si Dalia, Natalia. Tagapagsulat ng inyong mga tadhana," wika ng babae pagkatapos niyang sindihin ang huling lampara.

"At ako naman si Horacio, timekeeper ng lahat ng itinadhanang mangyari," wika ng lalaki.

"Ahh," napatango-tango ako. "Nice to meet you?"

Napatawa ng mahina si Horacio. Pero mukhang ayaw ngumiti ng kasama niya.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Natalia," seryosong sabi ni Dalia. "Narito ka dahil kailangan mong ayusin ang gulong ginawa mo. Alam mo naman ang ginawa mo, hindi ba?"

Napatitig lang ako sa kanya.

Mierda.

Napaiwas ako ng tingin.

"Ginamit mo 'yung silver na kwintas para magkapalitan kayo ng kaluluwa ni Luna at makuha mo ang katawan niya. Sa madaling salita, ninakaw mo ang pagkatao niya upang makamit mo ang ibig mong kalayaan na hindi naibigay sa 'yo ng panahong 'to.

"Naiintindihan kita. Ngunit hindi pwedeng kunin mo lang ang pagkatao ng kung sinu-sino. May dahilan kung bakit ganyan ang mga pangyayari sa buhay mo, 'wag mo nang pilit ibahin. Mas madali kung tatanggapin—"

"Tanggapin?" napatingin ako sa kanya ng deretso. "Pano ko iyon matatanggap kung sa bawat araw ay tila bang pinapasan sa akin lahat ng trahedya ng mundo, na tila bang inaako ko lahat ng maling nangyari sa buhay ng ama ko?

"Binigyan ako ng pagkakataon para mabago ko ang buhay ko. Binigyan ako ng pagkakataon para piliin ang sarili ko...at wala akong balak sayangin iyon."

"So balewala lang sa 'yo na ninakaw mo ang pangalan, katawan, at buhay ng isang tao?"

Natigilan ako.

"'Yang pangalan, pamilya, pag-aaral, at pangarap ay nararapat na kay Luna. Hindi 'yan sa iyo, Natalia,"

"Malapit nang mamatay si Luna nung nakipagpalit ako sa kanya, nasa kabilang—"

"Hindi nakatawid si Luna sa kabilang buhay nang dahil sa ginawa mo," pasigaw niyang sabi. "Nandito pa rin siya at namumuhay bilang ikaw. Hindi niya kilala kung sino siya, wala siyang maalala sa buhay at pamilya niya. Ang akala niya ay siya si Natalia Salazar,"

Panalangin Ko, Pangalan Mo (Fate & Time Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon