Unti-unting lumiwanag ang aking palibot. Nawala ang mga boses ng mga nagchichikahan at nagtatawanan, nawala rin ang tugtog ng musika, at napalitan ito ng huni ng mga kuliglig.Narito ako ngayon sa kalsada, sa gitna ng mga nakapaligid na mga lumang bahay at tindahan. May mga nakasinding lampara sa labas upang magbigay ng kaunting liwanag sa daan.
"Luna?"
Gulat akong napalingon kung saan nagmula 'yung boses. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino iyon.
"Sir Ethan!"
Nagtataka siyang napalingon-lingon sa lugar na aming kinatatayuan ngayon.
"Anong ginagawa niyo rito, sir?" natataranta kong sabi. "Hindi dapat—paano mong—bakit ka—"
"Malapit nang mag-alas otso, tayo'y magsisimula na sa ating pagroronda,"
"Masusunod,"
Napalingon ako sa may kanto. May tatlong guwardiya sibil na nakatalikod at nagsimulang maglakad sa aming direksyon.
Agad kong hinila si Sir Ethan sa likod ng isang nakasarang tindahan at sumenyas sa kanya na manahimik.
Lumagpas sa amin 'yung mga nagrorondang guwardiya sibil. Unti-unti akong sumilip mula sa pader upang masiguro na malayo na sila. Lumingon ako kay Sir Ethan at sumenyas sa kanya na ligtas nang lumabas.
Ngunit sa paghakbang ko paliko, may biglang sumalubong sa amin.
"Mukhang ika'y nakapagdesisyon, Natalia,"
Muntik na akong sumigaw sa gulat pero buti naman ay napigilan ko. "Ba't kayo nanggugulat?" pabulong kong sigaw kina Dalia at Horacio na nasa harapan namin ngayon.
"Mabuti naman ay naisip mong gawin ang nararapat," saad ni Dalia.
"Ngunit sumablay ka ng kaunti, ikaw ay bumalik sa Setyembre, tatlong buwan bago uuwi si Luna,"
"Ho?!" nanlaki ang mga mata ko. "Paanong...bakit...akala ko...paano si—anong gagawin ko kay..."
Napatingin si Horacio sa aking likuran at kumunot ang kanyang noo. "Sino 'to?"
"A-Anong nangyayari dito?" nalilitong tanong ni Sir Ethan.
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Dalia at seryosong tumingin sa akin. "Bakit may dinala kang dayuhan sa panahong 'to, Natalia?"
Natataranta akong sumagot sa kanya. "Hindi ko alam! Maniwala ka, hindi ko alam. Binibigkas ko lang 'yung spell para makabalik ako rito, pero may naramdaman akong may tao sa likod ko. Lumingon ako, pero huli na, natapos ko na 'yung spell tapos dumilim 'yung paligid, tapos—" napahinga ako. "Nandito na kami,"
Napapikit ng mga mata si Dalia. Napahawak naman sa kanyang sentido si Horacio.
Napatingin kami ni Sir Ethan sa isa't isa.
At biglang may sumagi sa isipan ko.
"Teka, p-pwede bang" – napatingin sina Horacio at Dalia sa akin – "iuwi ko muna siya? Saglit lang. Hindi naman siya dapat nandito eh, ako lang ang kailangan niyo,"
Napahawak ako sa aking kwintas. Magsasalita na sana ako nang biglang itong hinablot ni Dalia at inilayo sa akin.
"Not so fast, dear. Baka sa susunod hindi mo na maisipang bumalik rito. Hindi ba't 'yan ang nasa isip mo ngayon? Ang tumakas?"
Napatitig lang ako sa kanya.
Tama naman siya. Nagdadalawang-isip pa rin ako sa naging desisyon ko. Kaya baka naman ay magamit ko bilang palusot itong paghatid kay Sir Ethan pabalik sa 2019. Kasi parang...hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang bumalik sa buhay na kinasusuklaman ko.
BINABASA MO ANG
Panalangin Ko, Pangalan Mo (Fate & Time Series #1)
Ficción históricaShe loves designing her own fate, but what if fate designs something for her instead? *** When a feisty and freedom-loving young teacher is thrown into a time of order and control, her beliefs of love, life, and dreams are tested as she meets the co...