Obsession 3

2.3K 127 14
                                    

Obsession 3: Chilling Vibes

Mavis Point of View


Hindi ko naiwasang napatingin sa tapat ng bahay namin. Mula sa bintana ng sala ay tinatanaw ko kung nakatira ba talaga siya roon. Hindi ko naman alam kung bakit kailangan ko pang siguraduhin, pero hindi ako mapalagay simula nung sabihin niya iyon sa akin.



"Sino bang sinisilip mo dyan ha? Kanina ka pa ganyan. May inaabangan ka ba?" Tanong bigla ng kung sino mula sa tabi ko, si Mama.



"Huh..Ah wala naman Ma. M-may nakita lang kasi akong taong pumasok dyan sa loob ng bahay sa tapat natin," sagot ko.



"Hmmm... Bakit? Kilala mo ba yun?"




Umiling ako. "Wala. Pero hindi ba wala namang nakatira dyan?"



"Meron nang nakabili niyan. Nung nakaraang umaga nakita namin ng Papa mo na may naglilipat dyan," paliwanag nito sabay kuha sa kapatid ko na abala sa paglalaro.




"Huh?! Meron na? Pero hindi ba..."



"Hindi ko rin alam, Nak. Pero basta meron nang nakatira dyan. Mukha ngang nag iisa lang siya dyan eh. Anyway, tara na at maghapunan na tayo."



Sumunod naman ako sa kanya papunta sa kusina. Nasa isip isip ko, baka coincidence lang sigurong dyan napatira bagong Coach?




"Kamusta try out?" Tanong ni Papa habang kumakain kami sama sama. Napatingin pa ito sa kambal. "Wayne! Dwayne! Eat your food!"



"Ok lang naman Pa, nakapasok po ako," sagot ko sabay ngiti.



Naramdaman kong tinapik nito ang balikat ko. "That's my boy!! Galing talaga manang mana sa Ama."



Napansin kong nasamid si Mama nang marinig iyon.


"Nakapasok din po si Davis and Park. Si Liamer naman ay hindi," sagot ko uli. "Pati na rin pala yung Jefferson."


"Oh? Si Jefferson? Mukhang malakas ang team niyo ah?" Ani Papa na mukhang manghang mangha pa.



"Magaling sana kung hindi yun ang napili," bulong ko. "Nga po pala, m-may ipagpapaalam sana ako Ma..Pa.."



Nagkatinginan silang dalawa na para bang may kutob sa sasabihin ko. Tumikhim si Papa. "Sige ano yun?"



"M-may party po kasi mamaya. Baka po pwedeng sumama ako kina Davis? Inimbitahan po kasi kami ng isa sa mga kaibigan namin noon sa party niya na gaganapin sa isang bar."



"Bar?" Takang sabi ni Mama. "Bakit sa Bar? Hmmmm baka naman mag iinom lang talaga kayo. Ikaw Mavis ha, nagsisinungaling ka ba sa amin?"




"Ma, hindi po. I'm serious. Ok here's the invitation ok? Sa Westview Avenue yan gaganapin sa loob ng isang bar. 19th birthday kasi kaya ayon ang theme ng celebrant," paliwanag ko sabay pakita sa kanila ng invitation na binigay ni Denisse sa amin.



Ilang sandali nila itong tinignan at binasa bago ibalik sa akin.



"Okay sige papayagan ka na namin ng Mama mo. Basta wag kang mag uuwi ng— Aray!" Agad napatigil si Papa sa pagsasalita matapos siyang hampasin ni Mama sa braso.



"Itigil mo nga yan, Eros Lim ha. Wag na wag mong ituturo sa mga bata yang ginagawa mo dati," Kontra ni Mama.



"Okay okay Commander. Sorry," pagsuko ni Papa.



Desire Series 2: Instructor's Obssession (BxB) (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon