Obsession 20: Issue
Gray's Point of View
Agad kaming napatingin sa dumating, kasama na ng mga kalaban namin. Halata sa kanilang mukha ang pagtataka. Mabilis nila iyong tinutukan ng baril.
"Kami pa talaga ang tumawag ng back up?!" Galit na sabi ng lalaki.
Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko makita kung sino ang nasa loob dahil tinted ang bintana. Pero nakakasiguro akong pinapanood kami ng kung sino ang nasa loob.
"Kung sino ka man bumaba ka!" Utos ng kalaban namin sa taong nasa loob. Sinenyasan niya ang isa sa mga tauhan niya para buksan ang pintuan.
"Gray! Umalis na tayo!" Agad na sabi ni Renz sa akin.
"Ano? Hindi! Tatapusin ko muna tong mga hay*p na to!" Sagot ko sa kanya.
"Ano?! Magpapakamatay ka ba talaga?!" Galit na bulong niya. "Let's fvcking go!"
Hindi na ako nagpapigil sa mga oras na iyon. Kaagad kaming sumakay sa sasakyan at mabilis na nagmaneho papalayo sa lugar na iyon. Napalingon pa ako mula sa likuran at kitang-kita ko ang eksaktong nangyari.
Pagkabukas ng isa sa mga lalaki nang sasakyan ay agad itong sumabog, kasabay ng sasakyan nila. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan dahil hindi ko alam kung sinong nagpadala ng sasakyang iyon.
Imposibleng isa kina Race, dahil hindi ganoon ang gagawin niya kung hihingi kami ng back up sa kanila.
"What the h*ck was that?" Takang tanong ni Renz habang butil-butil ang pawis nito sa noo.
"I don't know, i don't have any idea," sagot ko. "Teka, natext mo ba sina Race?"
"Yes, pero hindi nagsend."
"What? Why?"
Napakamot siya sa kanyang ulo. "Naubusan ako ng load hehe," aniya.
"It's fine itetext ko na lang sila para ireport. Nakaalis na naman tayo so wala nang sense," sabi ko. Hindi ko naiwasang mag-alala kina Mavis. Baka may iba pa silang kasama kanina at guluhin sila.
Mabilis na naming pinuntahan ang bahay ni Race, kung saan nakita ko pa silang nag-uusap usap. Kaagad naman silang lumapit ng makita kami.
"Hey what's going on? Ano na ang nangyari sa mga tauhan ni Wang?" Tanong ni Race. "Gosh! Lagi silang lumalaban ng patalikod."
"They're already dead," saad ko ng madiin sabay kuha ng isang basong alak na nasa lamesa ng garden.
"What? How? Atsaka baka may nakakita sa inyo? Tandaan mo, ayokong madadagdagan pa tayo ng problema," pagtataka naman ni Harvey.
"What? Yes, they already dead. How? Its because of unexpected explosion," sagot ko uli.
"Explosion? Nagpasabog ka?!" Gulat na sabat uli ni Race.
"Of course not! Namatay sila dahil sa isang pag sabog habang papaalis kami. Well, before that nakipaglaban muna kami sa kanila until one anonymous red car came to us. Akala namin back up namin, o ng kalaban. Pero it turns out na hindi namin yun kilala. They're distracted by that red car so we grab the chance to escape. Habang sila naman ay binuksan ang pintuan ng kotse at boom!" Pagpapaliwanag ni Renz.
BINABASA MO ANG
Desire Series 2: Instructor's Obssession (BxB) (Revising)
RomanceMavis Lim was a explorer boy in his life. May mga curiousity siyang nabubuo kaoag nakakakita ng bagay pero hindi naman ibig sabihin nito ay papatulan na niya lahat. Masyado siyang maingat sa mga consequences. Kilala rin siya na magaling sa paglalaro...