Obsession 18

1.1K 77 55
                                    

Obsession 18: Regrets


Mavis Point of View




Nang makaramdam ako ng kaunting kurot ay agad kong idinilat ang mata ko. Natakot ako nung una dahil sa malabo kong paningin. Pero nang makita kong ibang lugar ang kinalalagyan ko ngayon ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.




"Sir, wag po muna kayo bumangon," ani ng isang babae mula sa tabi ko.



"H-huh? T-teka...," Nagtataka kong tanong bago tignan ang sarili. May dextrose ako sa likuran ng aking kamay, nakasuot ng hospital gown, may mga benda ako sa braso, sa noo at sa binti.



Malinaw na nasa hospital ako ngayon.




"Advice po kasi ni Doc na dahan-dahan po muna kayong kumilos dahil baka may mabali po sa mga buto ninyo due to condition of your body," paliwanag pa ng babae na naka nurse attire.



Imbes na isipin ang sarili ay naalala ko yung lalaki, yung lalaking nagligtas at nag alis sa akin sa lugar na iyon.


Hindi ko siya masyadong namukhaan, yung boses niya lang ang naririnig ko sa isip ko.



"Miss? N-nasaan yung kasama k-ko kanina?" Tanong ko agad sa kanya. "Y-yung nagdala sa akin dito?"



"Hindi ko alam, Sir. Pagkatapos namin kayong asikasuhin, nawala na po agad yung nagdala sa inyo. Sayang nga, dahil kailangan pa man namin ng information from him pero hindi namin siya naabutan," paliwanag ng babae.



"G-ganoon po ba?"




"Excuse lang Sir. Magra-rounds pa po ako," paalam niya bago umalis. Nang ako na lang maiwan sa loob ng kwarto ay agad kong hinanap ang cellphone. Sa bawat kilos ko ay kirot at sakit ang nararamdaman ko mula sa mga sugat at bugbog na inabot ko.



Pero hindi ko iyon pinansin dahil kailangan kong tawagan sina Mama at Papa dahil baka nag-aalala na ang mga iyon. Pati na rin si Gray.




Nagulat na lang ako ng padabog at malakas na bumukas ang pintuan. Halos matulala ako nang makita ang binungad nito sa akin.



"G-gray?" Takang tanong ko. Kasabay ng luha ay agad siyang yumakap sa akin.



"Thank God! Haha! Finally!" Aniya na tila ba sobrang saya.



Matapos ng ilang segundo ay pumasok naman ang isa pang lalaki. Nakilala ko itong si Volt, na bahagyang kumaway pa sa akin.




Nang tignan ko uli si Gray ay napawi ang ngiti nito pagkakita sa akin. Nabasa ko ang panibagong emosyong rumehistro sa mukha nito.



"P-paano mo n-nga pala ako nahanap?" Tanong ko sa kanya.



"Sinong gumawa sayo nito?" Pagbalik ng tanong sa akin.



"H-huh..a-ahmm...G-gray please m—"





"Mavis, please sinong gumawa sayo nito?! Anong ginawa nila sayo?! N-nakilala mo ba sila?"





"Teka Gray."



"Naman eh! Mavis ano ba?! Pinag-alala mo ako, kami! Natatakot ka bang magsumbong?!" Inis na tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit naghatid sa akin iyon ng matinding kaba. Na baka mas lumala pa kung magsusumbong ako.


Pero hindi ako pwedeng magsikreto.




Umiling ako habang tila naiiyak. "S-si..."




Desire Series 2: Instructor's Obssession (BxB) (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon