Epilogue

389 14 7
                                    

Epilouge: A moment of truth


Third Person's Point of View



Napatulala na lang si Gray habang pinapanood si Mavis, Race, Harvey, Renz at Austin na itinatakbo habang nakahiga sa hospital bed. Tumabi naman si Park at Pale sa kanya.



Para bang nanumbalik sa kanya ang dating ala-ala kung saan naghihingalo rin si Mavis, at iyon ang araw na iniwanan niya ito dahil sa labis na pagmamahal at para na rin sa kaligtasan nito.




Napaupo siya sa bench sa gilid habang pilit na nilalabanan ang sariling emosyon at nararamdaman.



"I called Tito Eros and Tito Drip. Papunta na sila," sabi ni Pale. "Tumawag na rin ako sa team at sa mga pulis. Pumunta na ang iba sa kanila sa port na sinasabi mo kanina."


Tumango si Gray pero nanatili itong nakatungo at nakatingin lang sa lapag.



"Also, you should know na nahanap na namin si Silver. Ang nakakabata mong kapatid," dagdag pa ni Pale.


Napatingin sa kanya si Gray. "N-nasaan siya?"



Kita sa mga mata ng lalaki na desperado siyang mahanap at makita ang matagal na niyang nawawalang kapatid. Naghahalo ang saya at takot sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya, pwede siyang atakihin sa puso anumang oras.


"Can we talk somewhere? I mean...paparating na sina Tito Eros. Baka magkagulo na naman kayo," sabat ni Park sabay tingin kay Pale. "Ako na ang bahalang magsabi."



Ayaw man umalis ni Gray ay naiisip niyang tama ang sinabi nito. Pwedeng maglayo na naman sila ni Mavis kung sakaling makita siya ng mga magulang nito. Kaya naman tumango siya atsaka sila umalis para pumunta sa isang lugar.



Sa itaas na bahagi ng hospital ay may maliit na parke. Napakatahimik nito at dahil na rin sa gabi ay tanging mga ilaw lang na nakapalibot dito ang nagbibigay liwanag sa paligid.



Pumunta sila sa dulo kung saan kita ang baba. Kakaunti lang ang mga dumadaang sasakyan sa diretso at tahimik na daan.



Naisip ni Gray, tapos na ang lahat. Wala na ang mga kalaban na gumigising sa kanya tuwing gabi. Makakatulog na siya ng mahimbing at hindi kakabahan sa tuwing lalabas ng kanilang bahay.


Tumabi sa kanya si Park. "I tell you, Pale said na nahanap na nila si Silver Vesque. Tama sila. Noong una, may nagpanggap bilang Silver. Nakilala siya ni Mavis at ng iba pang mga kaibigan mo. But the thing is, he's a traitor, a manipulator at hindi siya ang totoo mong kapatid. His name is Rei Xi, the half brother of Jefferson Xi. Plinano nila ito para mapaikot sila."




"N-nasaan na yang Rei?" Tanong niya.



"Andito," sabi ng isang boses sa kanilang likuran. Nagulat silang pareho ni Park dahil nakahawak ito sa kanyang baril at nakatutok ito sa kanila. Bumigat naman ang paghinga ni Gray. Ayaw na niyang magdagdag pa ng mamatay.



Akmang kikilos na siya ng tumawa si Rei at ibinaba ang baril bago itinago sa kanyang likuran.



"I am not a demon, i'm just an evil. Mas masahol pa ang ama at kapatid ko. I will not do this kung minahal nila ako ng tama. Kung hindi ko lang din kailangan ng kalinga ng isang kapatid at ama, hinding-hindi ako nagtagal sa poder nila," sabi nito sabay buntong-hininga.



Hindi nakasagot si Gray. Alam niyang ganito rin abg nararamdaman ni Jeff kaya niya nagagawa ang mga bagay na iyon.



"You know what? Kanina habang pinapanood ko ang kapatid kong mamatay, nasabi ko na lang sa sarili ko. Sana pinili ko na lang maging normal na tao. Sana nanahimik at mas pinili kong tanggihan ang trabahong pinagagawa nila. Ang hirap din kasing magpanggap. Magsuot ng maskara kapag haharap kina Mavis at kina Renz. You know why? Kasi mababait silang tao. I guess, trinitrigger nila ang soft part ko," paliwanag pa nito sabay tawa ng mahina.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Desire Series 2: Instructor's Obssession (BxB) (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon