Obsession 41

762 50 18
                                    

Obsession 41: Evidence



Renz Point of View






Nagising na lang ako bigla ng may malamig na tubig ang bumuhos sa akin. Agad akong napabalikwas pero doon ako nagkamali.




Dahil nakatali ang buo kong katawan.




Tinignan ko ang taong nasa harap ko at nakita ko na naman siya habang nakangisi na tila isa nang baliw.




"F*ck you!" Sigaw ko sa harap ng mukha niya.




"Whatever man. Wala ka na namang magagawa pa sa ngayon," sabi niya na tila kampante pa sa ginagawa nito.




"Traydor ka! Pakawalan mo kami rito at magsuntukan tayo!" Hamon sa kanya nj Race na nasa likuran ko lang pala.




"Yes! Yes! That title! Huh! I love it! Say it again!" Aniya sabay taas ng dalawang kamay habang ginagalaw ang tatlong daliri. "C'mon!"





Napailing na lang ako. "Ano bang dahilan mo para gawin ito sa amin? A-akala ko ba kaibigan ka namin?!" Tanong ko habang pilit na tinatanggap ang nangyayari.





"At bakit ako magpapaliwanag sayo? Sa inyo? Hindi ko kailangang sagutin yan! Kating-kati na ang mga kamay ko para patayin kaying lahat!"




May inilabas siyang baril mula sa kaliwang bewang.




"W-woah woah! Calm down!" Pagkalma ko sa kanya pero tila hindi na siya ang kaibigan ko. Ibang-iba ang pinapakita niya sa amin ngayon. Ibang-iba sa taong nakasama namin ng matagal.




"Sa tingin ko naman ay magkikita-kita na kayo nila Gray sa impyerno eh. So bye!" Banta niya sabay paputok ng baril. Napapikit na lang ako.




Pero hindi dahil sa kirot o kung ano pa man, dahil iyon sa pagsabog ng isang drum na malapit sa amin ni Race.




Kasabay kasi nito ay ang pagtunog ng cellphone niya. Nakita ko na napapikit suya sa inis sabay sagot sa tawag.



"Hello?! Hindi mo ba alam na b— oh what do you want?!" Iritado niyang tanong.




"Yes! Why?! Please say it and don't waste my time!"




Pinagmasdan kong mabuti ang reaksyon niya sa mukha. Ang kaninang kunot noo ay napalitan ng gulat at tila hindi makapaniwala sa narinig.



"W-what?! N-no way! Napatay na siya hindi ba? — pero alam kong patay na siya?!"




Patay? Sino na namang pinatay niya? Nila?




"No! What I mean is....paano nangyari yun?! Argh!"




Nagpalakad-lakad siya ng pabalik-balik sa harap ko. Ramdam ko ang tensyon sa katawan niya. Pero mas matindi pa roon ang galit ko kapag may dinamay na naman silang mga inosente, na related sa amin.



"What do you mean na pumalpak ako?! No! Hell no! Kailan ako pumalpak sa mga plano ko? Huh! You know what? Fine! I will find him and kill him again! Bye!"




Napangiti ako. "Ohh...i heard na pumalpak ka sa plano mo? But you just denied it. Oh what a poor thing~" pang aasar ko.



Agad niya akong hinawakan ng mahigpit sa baba at sinapak ng walang pagdadalawang isip.



Desire Series 2: Instructor's Obssession (BxB) (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon