Obsession 8

1.6K 99 38
                                    

Obsession 8: Ash

Mavis Point of View


Napatingin sa akin yung anak ni Gray. May pagkahawig ito sa kanya lalo na ang mga mata nito. Kaya hindi ko maiwasang maalala ang mga tagpo nung nagkakatinginan kaming dalawa.


"Hi..." Bati ko sa kanya pero hindi siya sumagot.



"G-gusto mong p-pumasok muna sa bahay namin?" Tanong ko pa uli rito pero tinignan niya lang ang pintuan.



Wala pa rin itong naging sagot kaya nakaisip ako agad ng paraan. Pinantayan ko siya para makausap ng maayos. "Ikukuha na lang kita ng upuan kung ayaw mo sa loob ng bahay. T-tapos hintayin natin ng sabay ang Daddy mo, ok?"



Muli akong tumayo at tumalikod. Akmang papasok na nang bigla kong maramdaman ang paghawak nito sa laylayan ng damit ko. Napatigil ako kaagad.



"Hmm?"


Tinuro niya ang bintana. Agad kong nakuha ang gusto niya kaya tumango ako't hinayaan siyang maglakad papasok sa loob. Mabuti at wala rin sila Mama ngayon kasama ng mga kapatid ko kaya walang magtatanong at magtataka kung bakit may dala akong bata.



"Upo ka muna," utos ko pero nanatili siyang nakahawak sa laylayan ng damit ko. Napakamot ako sa aking ulo.


"M-magbibihis muna ako. Wait mo ako ha?" Dagdag ko at dahan-dahang pinagbitiw ang kamay nito sa akin. Nang papaakyat na ako ay siya namang dating ng pakiramdam kong may sumusunod sa akin.


Hindi ako nagkamaling siya na naman ito at parang nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa gilid ng hagdan. Naawa naman ako kaya hinawakan ko ang kamay nito para sana maglakad.


"Daddy...W-where's my Daddy?" Tanong niya sa mahinang boses.


"A-ah eh....m-may pinuntahan lang saglit. B-babalik din yun mamaya," paliwanag ko.


"I-i want D-daddy..."



Nangingilid na ang luha nito kaya nataranta ako. Kainis na Gray, bakit sa akin pa iniwan ang anak niya? Arghh



Napabuntong hininga na lang ako. Naalala ko na may mga bata rin pala akong kapatid at inalagaan ko rin ang mga ito noon hanggang ngayon. Kaya nawala sa isip ko ang inis kay Gray at napiling kausapin ang bata.



"I know, pero dapat tayong maghintay. Di'ba may sinabi siyang dapat magbehave ka?" Malambing na wika ko sa kanya pero umiyak pa rin ito.



"Shhh...wag na umiyak. B-babalik si Daddy mo ok?"



"I-i want m-my Daddy!" Pagpupumilit nito.



Napapikit ako. "Ah...p-paano ba ito?" Tanong ko sa sarili. Biglang may ideyang pumasok sa utak ko kaya agad akong nakabawi para mapatahan ito.



"Okay ganito na lang. Kapag naging good boy ka sa akin at hindi ka umiyak habang wala pa si Daddy mo...may reward ka rin kay Kuya Mavis, ok ba yun?"



Sandaling humina ang hikbi niya dahilan para mapunasan ko ang luha sa mata nito. "Wag na umiyak. Ayaw ni Daddy mo ng naiyak ka."



Desire Series 2: Instructor's Obssession (BxB) (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon