Monday, 10:24 AM
Olivienne:
danielle, I just lied to deanne
tinanong niya ako kung kilala ko raw ba yung author pero ang sabi ko wala akong idea kung sino yung dwanmei
and you know me, hindi ako nagsisinungaling sa bruhang yun
but for you, I did because I know that you want to keep this as a secret
I checked your profile and noticed that you purposely disassociated your writer life from your personal life
walang kahit anong trace kung saan mahahanap ng mga readers mo ang personal accounts mo
kahit yung mga writer accounts mo nga, walang fina-follow na kahit sinong kaibigan mo in real life
i know masyado ko na namang inisip
forgive me for analyzing this based on what I've observed but i just had to
dahil alam kong tatanungin nila ako at ayaw kong ma-jeopardize ang privacy mo
hay feeling ko masyado akong mabait, baka kunin na ako nito ni l0rd haha cheka
pero seriously, i need to hear your reason behind this
i need to know your side dahil kaibigan kita
at ibibigay ko yun sayo kahit na gulung-gulo na ngayon ang buhay ko
PS: hirap pala maging sikat, nakakasira ng tulog
Tuesday, 05:41 PM
Olivienne:
nga pala, congratulations
sobrang dami mo na palang followers
half a million
EBARG KA MARS
layo na ng narating mo as a writer
samantalang nung in-encourage kita na magsulat sa online platform at ginawa mo ang account na to, tayong dalawa lang ang nakakaalam
hindi nga ako aware na nagpatuloy ka pa pala sa pagsusulat dito at hindi ko na rin naman nasubaybayan kasi nag-deactivate na ako ng account ko bilang di naman ako mahilig magbasa ng fiction stories
nonetheless, super proud ako 🥺🥺🤧🤧
sincerely
PERO MARS
why naman ganon? why mo linagay ang pangalan ko sa isa sa mga stories mo kaloka ka
buti na lang bukod sa circle of friends natin, wala ng nakakaalam ng tungkol sa amin ni [redacted] kaya mas madaling magsinungaling na coincidence lang na kapangalan ko yung bida
aside kina prescilla, walang idea yung iba na totoong nangyari yung ilang scenes sa akin (nakuwento lang ni deanne)
hahahaha grabe ka naman talaga
sa totoo lang, di ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil sa nangyari
anyway, sinabihan ko na rin pala sina prescilla na tigilan na ako kakatanong tungkol sa story or pag-usapan ang tungkol doon kasi nga ang press release ko ay wala akong idea kung sino ka at hindi ko alam kung paano ko naging kapangalan yung bida
at sabi ko sa kanila na wag na silang dumagdag sa sakit ng ulo ko dahil gulung-gulo na ang mundo ko sa social media
mars, di na ako makapag-twitter nang mapayapa
hindi ko na binubuksan ang notif ko dahil windang na windang ako
hayyy
kaya sana naman reply ka na
alam kong busy ka
pero willing to wait naman ako
alam mo namang matiisin akong tao kaya nga pwede na akong maging tagapag-mana ng korona ni mamshie roselle nava diba?
hahahaha cheka
PS ulit: prologue pa lang ako sa story at bukod sa mga na-chismis na sakin nina deanne na resemblances sa scenes, wala na akong idea at all
well, more of i refuse to know before i hear from you
yun lang, end of my ted talk emz
BINABASA MO ANG
Never Truly Yours, Oli (Chatfic)
RomanceChronicles of Sta. Mesa Series #1 Do you have a skeleton in your closet? Something about yourself that you wish to keep a secret forever? Well, Olivienne Margarette Andrada does. Only her closest friends know that Olivienne is still hung up on her f...