#NTYO101

103 9 8
                                    

"Everyone, get a ¼ sheet of paper," bungad ng teacher namin habang naglalakad papunta sa gitna ng room. Binaba niya ang libro na hawak sa table. "We'll start the quiz when I come back."

Napahalukipkip ako.

Luh. Wala man lang pa-good morning? Get a ¼ sheet of paper agad?

'Yun lang ang sinabi niya sa'min bago siya lumabas ulit. May pupuntahan lang daw siya saglit, pero babalik agad. 'Di ko kinaya si Ma'am!

Kaloka. Pwede namang nagpunta muna siya kanina kung saan man 'yun bago siya dumiretso sa room, 'di ba? Hindi 'yung may pa-kaba siya na ganun tapos biglang exit the dragon naman siya pagkalapag ng mga gamit niya.

Iba-iba rin talaga ang pendulum ng mga teachers sa high school.

Paglabas niya, nagkagulo ang buong section. 'Yung iba, bumubulong at humihingi ng papel sa katabi. 'Yung iba, nagtutupi at nagpupunit ng isang buong papel, tapos hinahati sa apat para ipamigay sa mga buraot na nanghihingi sa kanila. 'Yung iba, balahura kaya laway ang ginagamit para mabilis na mapunit 'yung papel. Wild! Gunting, who?

Ako naman, binitawan ang linalantakan kong iced gems. Ito na nga lang ang almusal ko dahil anong petsa na ako nakabangon kanina, tapos hindi ko pa mauubos dahil sa paandar na quiz na 'to. Sa pagmamadali ko kasi kanina, hindi na ako nakakain ng almusal. Ang ending, bumili na lang ako ng Muriah Carey na laman tiyan sa tindahan doon sa may tapat ng bahay.

Pinagpag ko ang kamay sa palda at busangot na binuksan ang bag.

Sige ang buklat ko sa bag pero wala pa ring papel na nagpapakita sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hilo. Pero 'di ko sure kung dahil lang ba sa napa-sobra ako sa asukal ng iced gems. Teka. Side effect nga ba 'yun ng napapa-sobra sa sweets? Hindi ba sa high blood 'yun dapat at hindi sa diabetes?

Ay, wow. Dami ko pa palang time mag-isip ng ibang bagay.

So . . . ayon, hindi nagtagal, nag-panic na rin ako. Join the party because why not?

Naiwan ko nga yata sa bahay 'yung pad paper ko. Paano naman kasi nagpalit ako ng bag kagabi. Sa totoo lang, ito 'yung nakakainis kapag nagpapalit ng bag. Paniguradong mayroon kang makakalimutan na i-transfer. Madalas either ID, papel, o ballpen. Minsan candy. Hello? Sayang kaya 'yung paisa-isang max na nakatago sa bag. Nakakatulong 'yun hindi lang para fresh breath, pero para rin pampalipas ng gutom. Lalo na kapag ang daming talk ng teacher sa last period.

But in my defense, after two thousand years kasi, nagpaalam na ako sa Pasig Palengke bag ko at pinalitan ko na 'yun ng Heartstrings na binili ko mula Megamall. O, 'di ba? Shala. Heartstrings. Sino ka riyan?

Kaso . . . ang ganda nga ng bag ko, pero mukhang babagsak naman ako sa quiz na 'to dahil wala akong papel na mapagsusulatan. 'Yung totoo pumasok lang ba ako sa school para umarte? O plano ko ba mag-aral talaga?

Agang existential crisis naman. 7:00 AM pa lang. Juicekolord.

Tumingin ako sa paligid at hinanap sina Deanne at Nathan. Manghihingi sana ako kaso ang layo ko sa kanila. Wala namang seating arrangement sa subject na 'to, actually. Kaso kasi ayaw pumayag ng teacher namin na magtabi kami ni Deanne. Ingay raw namin. Grabe. First week pa lang 'to ng klase namin tapos nahalata na agad kami ng teacher namin sa English.

Si Nathan naman, tinatakwil ako at ayaw akong makatabi. Bwisit na 'yun. Hindi pa rin siya nagbabago hanggang ngayon. Mula Grade 5 hanggang 3rd year high school ganiyan pa rin siya. Umay na ako. Sarap ipagpalit minsan.

"Kyah." Kinulbit ko ang lalaking nakaupo sa harap ko. "Penge naman akong papel."

Liningon niya ako. "Huwag ka na manghingi ng papel, wala ka rin namang masasagot."

Never Truly Yours, Oli (Chatfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon