#NTYO121

96 11 4
                                    

Halos hindi ako makahinga habang nagpipigil ng hikbi at nakatingin sa kaniya. Wala ring tigil ang buhos ng mga luha ko. 

Ganito pala 'yung pakiramdam na ang tagal kong kinimkim ang lahat ng sakit tapos bigla ko siyang makikita sa hindi inaasahang pagkakataon. Hindi ako ready. Hindi man lang ako nakapag-breathe in, breathe out kanina!

"Ang kapal ng mukha magpakita ng lalaking 'to! Makikita niya, babasagin ko mukha niya!" 

Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ko si Prescilla na galit na galit. 

"Deanne, hawakan mo 'tong bag ko." Hinagis niya kay Deanne ang bag niya. Mabilis niyang tinaas ang manggas ng t-shirt niya at pasugod na naglakad papunta kay Dashiel. Totoo nga! Mang-aamok talaga ng away ang isang 'to!

Pinunasan ko ang mga luha ko at sinubukan ko siyang habulin, pero ang laki ng mga hakbang niya. 

Lumingon ako sa likod at pinagmasdan ang dalawang bruha na nakatambay lang sa likuran. 

"Deanne, help?!" pagde-demand ko sa kaniya.

Iniling niya agad ang ulo. "Ayoko nga. Tingnan mo, G na G 'yung isa. Napakahaba pa naman ng mga biyas niyan. Mamaya mahagip pa niya ako, eh," pagdadahilan niya sa'kin. Tapos, laking gulat ko na lang nang ilagay niya sa kili-kili niya ang bag ni Prescilla para makapalakpak siya. "Go, Vaccs! Turuan mo ng leksyon 'yan!" pagchi-cheer niya. 

Nanlaki ang mga mata ko dahil do'n. Seryoso ba 'to?

"Eris?!" pagbaling ko ro'n sa isa.

Siya rin umiling. "Dzai, mas lalong hagip ako niyan. 5'2 lang ako, 'di ba? Konti lang lamang ko kay Aiza Seguerra. So, cannot be."  

Natawa si Deanne. "Miron lang kami. Kaya na ni Pres 'yan." 

Umurong lahat ng luha ko at frustrated akong tumakbo palayo sa kanilang dalawa. Kulang na lang lumuwa na ang dila ko sa paghahabol ko kay Prescilla.

Sa kabuting palad, nahabol ko naman siya. Agad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya sa kung anumang pina-plano niya. 

Mabilis din naka-keep up 'yung dalawang miron sa likod. 'Yung itsura ni Deanne parang tuwang-tuwa siya na may away. Nanlalaki pa ang mga mata niya at bahagyang nakangisi. Si Eris naman mukhang nautusang bumili ng suka tapos nakakita ng nagsusuntukan sa labas. 

Juskolord. 

"Guys, please. Gusto ko lang makausap si Oli," kalmadong sabi ni Dashiel.

Tumaas ang kilay ni Prescilla. "Anong guys guys ka riyan? Hoy, hindi tayo guys-basis, 'no! Hindi tayo friends kaya tigilan mo ako!" Dinuro pa niya si Dashiel. Gigil na gigil talaga ang isang 'to. Pakiramdam ko kapag inawat ko siya, kaya niya akong ihagis sa kabilang kanto. 

Binaling ni Dashiel ang tingin sa'kin. "Olivienne," pagtawag niya. 

Damang-dama ko ang pagtaas ng mga balahibo sa likod ng leeg ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. Para akong nanghina. 

"Hoy, bruha. 'Wag kang marupok kung hindi, ipapalo ko sa'yo yung hardbound thesis na ginawa ni Deanne habang nakabitin ka ng patiwarik," bulong sa'kin ni Prescilla. 

Hindi na lang ako sumagot.

"Olivienne," pag-uulit ni Dashiel. Ngayon, humakbang na siya palapit sa'min. 

"Isa pang hakbang, gi-gripuhan talaga kita!" pagbabanta ni Prescilla sa kaniya. 

"Pres, kalma," pag-aalo ko sa kaniya. Kapag hindi ko 'to naawat, baka mag-overnight kaming lahat sa presinto. Hinagod-hagod ko ang braso niya para ma-relax siya nang kaunti. Nang bahagya niya siyang kumalma, hinarap ko si Dashiel. "Paano mo nalaman na nandito ako?" mahinahong tanong ko sa kaniya. 

Never Truly Yours, Oli (Chatfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon