#NTYO85

99 12 6
                                    


Sunday, 09:47 PM


Nathaniel:

Oli, bago ako ma-ambush bukas nang maaga, tatanungin na kita ngayon

Typing . . . 

Olivienne:

sorry nathan

hanggang pagkakaibigan lang talaga kaya kong ibigay sayo

Nathaniel:

Pinagsasabi mo?????

Olivienne:

dami namang question marks

galit na galit yan?

wala kang sense of humor alam mo yun :<

Nathaniel:

Hindi kasi nakakatawa. Nakakakilabot. 

Olivienne:

che 😤

Nathaniel:

Pwede ko na ituloy ang tanong ko?

Olivienne:

k

Nathaniel:

Sasabay ka ba sakin bukas?

Olivienne:

ay oo nga pala monday na bukas

sige sabay ulit ako sayo

pwede ba tayo pasok nang maaga? like aalis tayo ng 6am?

tambay muna tayo sa intramuros pagdating natin

tapos libre mo ako ng kape at magmuni-muni tayo kasi malungkot ako

Nathaniel:

Kailangan kapag malungkot linilibre?

Olivienne:

oo ganun yun

di mo ba na-receive ang memo?

Nathaniel:

Tss. Kapal talaga ng mukha mo. Ikaw na nga nang-aabala, ikaw pa nagpapa-libre. 

Olivienne:

wag mo na nga ako awayin 😢

wala ako sa mood

Nathaniel:

Bakit?

Olivienne:

napagalitan ako ni deanne 😢

tapos feeling ko disappointed din sina prescilla

huhu

nathan, q&a portion

tanga ba ako?

Never Truly Yours, Oli (Chatfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon