#NTYO78

91 11 12
                                    


Thursday, 11:46 PM


Olivienne:

mas maganda sana to kung naka-laptop ka tapos naka-split screen hahaha

o diba nakapa-high maintenance ng chichi pagdating sa akin 🤣

Ravi:

I am, in fact, using my laptop. 

Olivienne:

ayos!

Ravi:

Before you proceed, may I ask why you like doing this? 

Olivienne:

paggawa ng powerpoint?

Ravi:

Yeah. 

Olivienne:

because diva nga ako hahahaha

gusto ko bida-bida palagi ang mga galawan 😂

pero bukod doon, natutuwa kasi ako kapag mayroong pa-visual aids kapag nage-explain

pakiramdam ko mas nae-express ko nang maigi yung thoughts ko

lalo na kapag gumagamit ako ng mga pictures or gifs lol

alam mo ba? kahit noong bata pa lang ako sobrang bida-bida ko na

hindi ako sure sa homeschool kung may ganito kayo pero kasi sa amin, may portfolio na pinapagawa ang mga teachers

doon kino-compile yung mga projects or assignments, ganiyan

so siyempre, papayag ba ako na ganun ganun lang yung ipapasa ko?

NUH-UH CANNOT BE

ang madalas kong ginagawa noon, nagi-ipon ako ng mga newspapers at magazines

lahat ng klase kinukuha ko

mapa-cosmopolitan, preview, candy, pep.ph basta lahat talaga ng makita ko

juiceko kahit nga booklets at flyers ng avon at natasha pinatos ko 🤣

para saan kamo? kina-cut ko kasi yung mga mukha nung mga tao tapos kapag bagay roon sa project ko, dinidikit ko yung mga mukha nila HAHAHAHAHAHA

yun ang mga nagsilbing "reaction memes" ko noong bata pa ako 😂😂😂😂

o diba? hindi napigilan ng lack of technology during that time ang kalokohan ko bwahahahaha

kaya naman medyo sikat ako sa faculty room ng central elementary noon lol

kilalang kilala kasi ako ng mga teachers dahil sa mga pinaggagawa ko 😆😆😆

tapos nag-level up lalo ang mga kalokohan ko sa buhay mula nang matuto akong gumamit ng powerpoint

nang ma-realize ko na pwede maglagay ng mga pictures, videos at gifs, ay hindi na ako natigil

Never Truly Yours, Oli (Chatfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon