Prologue

16 7 1
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Any Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.
This story is not affiliated with LPU-Laguna/other universities.
—————————————————————

Lahat ng tao'y may iba't ibang pananaw sa buhay. Lahat ng tao may kanya kanyang paraang ng pagpapakita ng kanilang nararamdan. At lahat ng tao ay may kanya kanyang paraan kung paano nila ihandle ang kanilang mga problema sa buhay.

Nakaupo ako ngayon habang nilalasap ang malamig at sariwang hangin na humahaplos sa aking mga balat. Nandito ako sa paborito naming tambayan. Tambayan na naging pareho naming kanlungan sa tuwing pagod na kaming pareho sa buhay.
Nagaantay...nagaabang...nagbabakasakali, na kahit sa huling pagkakataon makita ko siya...makasama ko siya...

Impit akong tumawa sa aking isipan. Para saan pa nga ba? May dahilan pa ba para magpakita siya ulet sa akin?
Mariin akong napapikit at hinayaang pumatak ang aking mga luha.

Tahimik akong umiyak hanggang sa maramdaman ko ang unti unting pagpatak ng butil ng ulan.

Napangiti ako ng mapait, pati ang ulan dinadamayan ako atleast may dumadamay pa din sakin kahit papaano diba.

Ang unti unting patak ay bumuhos ng malakas. Napapikit ako habang inaalala ang mga masasayang pinagsamahan namin. Masaya naman kami, kuntento kami sa anong meron kami pero sadyang hindi ata kami bati ng tadhana. Bakit humantong kami sa ganito?

Ganun naman ata siguro, hindi laging masaya. Oo siguro nga..nagpaliwanag naman ako diba? desisyon naman niyang hindi ako paniwalaan. Ang sakit lang...akala ko kahit anong mangyari hinding hindi namin iiwan ang isa't isa.

We made a promise that no matter what happen we will never leave each other. Pero siguro tama nga sila, promises are meant to be broken. I just thought before that we're an exemption.

Tumahan na ang ulan, kasabay ng pagtahan ng aking mga mata sa mga pumapatak na luha. Tumayo na ako at akmang aalis na, lumingon ako sa dati naming pwesto...

I bid goodbye to all the memories we've shared together. And finally I took my step away...as how he took his step away from me.

Maybe someday or oneday. If our paths will cross again, right person but definitely not the right time for us.

Sana...kung pwede na, pwede pa..

The Radiant Of Love (On-going)Where stories live. Discover now