Dumaan ang mga araw at lingo, nakasanayan na naming magsabay ng lunch ni gelo sa tuwing wala ang mga kaibigan ko para sumabay sa akin ng lunch.
Habang mas tumatagal nagiging madaldal at mapang asar siya lalo. Grabe, akala mo kung sinong anghel kapag nasa loob ng room.
Paano ba naman kasi, ibang gelo yung pinapakita niya kapag magkasama kami sa campus. Ibang gelo naman kapag kaming dalawa lang.
Feeling ko tuloy special ako. Pero hindi, ayoko sa ganun. Sapat na yung magkaibigan kami, hindi pa kami parehas handa baka masaktan lang namin ang isa't isa.
Ay joke lang, speed ko naman ata bigla. Pero malay naman natin diba, di natin alam. Basta ewan ko pero magaan ang loob ko sa kanya. Laging puno ng tawanan at asaran kapag kami lang magkasama.
Akala tuloy ng mga kaibigan ko may something samin. Pati mga kaklase ko nakikiisyoso din, kesyo daw nakikita nila kaming madalas sabay maglunch.
Tinatawanan lang namin pareho ni gelo yang mga kumakalat na chismis na yan.
Hay...mga tao talaga, masyadong maissue, may buhay naman sila baket nangengealam pa sila ng buhay ng iba?diba diba? Gulo din ng utak ng mga yan e.
Dinala din pala ako ni gelo sa favorite spot niya dito sa loob ng campus. Para siyang mini park, madaming puno at upuan. Medyo nasa mataas na parte din ito ng campus namin kaya naman matatanaw ang city lights at lalo na ang papalubog na araw. Ang ganda, nakakarelax.
Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa favorite niyang tambayan, na naging favorite ko na ding tambayan maliban sa cafe.
"Pag di ako mahanap sa school, nandito lang ako. Kapag pagod ako o kaya galit, dito ako nagpapahinga." pagkwekwento niya habang nakatitig sa family picture na kinuha niya sa may wallet niya.
Ang saya nila sa picture, kuha yon noong 1st birthday ng kapatid niya. Ang cute ng kapatid niya, parang siya pero parang mas pogi yung kapatid niya sa kanya.
Ang pogi ng daddy niya, at may nunal siya sa gitna ng ilong, sabi ni gelo anting anting daw ng daddy niya yon. Para silang may lahi pero sabi ni gelo wala naman daw, sa mga kanunonunohan pa daw niya ang may lahi.
Ang mommy naman niya, sobrang ganda, para siyang artista. Iba yung aura niya, nakangiti siya sa picture kaya mukhang mabait.
Tahimik lang akong nakikinig at tumatango habang nakapalumbaba at nakayakap sa mga tuhod ko.
"Kapag naririndi ako sa bahay kasi laging away nalang nila mom at dad nadadatnan ko, dito lang ako tatakbo. Pagkatapos okay na ulit ako" malungkot niyang pagpapatuloy sa kanyang kwento.
Oo nga pala, sa mga nagdaang araw na nagkakasama kaming sabay, nabanggit niya sakin one time na nagkakamalabuan na daw mga magulang niya.
And naaawa siya sa kapatid niya kasi bata palang pero ganun na mga nasasaksihan. Dalawa silang magkapatid, siya ang panganay. His younger brother was just 7 years old.
I just tapped his back at napansin kong may pumatak na luha sa mga mata niya. Emotional siya, kapag kaming dalawa lang. Ibang iba sa gelo na makikita mo sa loob ng room, sa school.
Malakas siya kung titignan mo, pero kung aalamin mong mabuti. Mahina siya, pagdating sa pamilya niya lalo na sa kapatid niya.
Pero ayaw niyang ipakita dahil ayaw niyang kaawaan siya...naaawa ako sa kanya pero hindi ko pinakita yon dahil hindi naman yon ang kailangan niya. Kailangan niya ng makikinig sa kanya, kailangan niya ng masasandalan.
I love this soft side of him. And I thank God for letting me as his instrument para maging sandalan ni gelo.
Sumandal siya sa may balikat ko at bumuntong hininga, nakatingin sa malayo habang pumapatak ng unti unti ng kanyang mga luha. Hinayaan ko lang siyang umiyak habang hinahagod ang kaniyang likod.
Nagtagal pa kami hanggang sa mapagpasyahang umuwi na dahil may chat na din sa akin ang mga kaibigan ko at kanina pa daw ako inaantay.
"Thanks for today mau" saad niya, mas gusto daw niyang tawagin akong mou kasi tinatawag na daw ako ng lahat ng caris. Gusto daw niya siya lang ang tatawag sa akin ng ganun.
Ayoko man ng tinatawag sa second name ko, pero hinayaan ko na lamang kasi si gelo siya. Mapilit yon e, kukulitin ka hanggang sa mapapayag ka kaya hinayaan ko nalang.
Ngumiti ako sa kanya at saka kumaway bilang pagpaaalam. At naglakad na ko papunta sa mga kaibigan ko.
Nakasandal si tine malapit sa pintuan ng driver seat habang pinaglalaruan ang susi ng kanyang sasakyan.
Samantalang nakapamaywang namang nakasandal si anj sa may kabila ng kotse at masama ang salubong nitong tingin sa akin.
"Anak ka ng Caris Maureen Marquez kailan ka ba hindi malalate! Hoy ipapaalam ko lang ho sa inyo ano, hindi pa ho tayo legal age para umuwi ng late ano" sarkastiko nitong saad habang pangisi ngisi lamang si tine.
Inirapan ko lang si anj at naglakad na papasok ng kotse.
"Aba aba, hindi mo na ko pinapansin ngayon ano, susumbong kita kay tita sasabihin ko may jowa ka na kaya late ka na lagi umuuwi, lagot ka!" pang aasar nito, kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at akmang kukutusan ng nakailag siya, aba nasanay na ata hahahaha
"Hep!hep!hep! Akala mo makakakutos ka na naman ah, kilala na kita Caris Maureen Marquez! Kahit ang ganda ganda ng pangalan mo, ang baho baho naman ng utot mo HAHAHAHAH" pang-aasar nito kaya naman hindi ko nalang pinansin.
Tatawa tawa namang nagdrive si tine. Nang makauwi, naalala kong may kailangan pala akong bilhin para sa assignment ko na ipapasa bukas.
Lintek naman oh! 7am pala ang klase ko bukas, kailangan ko tong magawa ngayon.Tinignan ko ang aking relo at nakitang pasado alas syete na. May bilihan naman ng school supplies sa may kanto, magtratricycle lang naman isang sakay lang.
Suot ko na ang pajamas ko at t-shirt, kinuha ko ang jacket ko at isinuot, dun ko nilagay ang wallet ko. Iniwan ko na ang cellphone ko kasi baka makalimutan ko lang sa kung saan. Itinali ko ang abot baywang kong buhok at lumabas na ng aking silid.
"Oh saan ang punta mo nak?anong oras na ah" saad ni nanay na inaayos ang mga nahugasang pinagkainan.
"Ay nay, jan lang po sa kabilang kanto. Nakalimutan ko po kasing bilhin yung gamit na kailangan para sa Assignment ko eh bukas na po ipapasa yon" pagpapaliwanag ko kay nanay.
Tumango naman ito at pinaalalahanan ako na bumalik kaagad dahil malalim na din ang gabi. Pauwi na daw si tatay galing sa opisina.
May sarili kaming business ng longganisa at iba't iba pang frozen products na ulam. Pinapatakbo lang din nila nanay at tatay ang negosyong ito. Hindi pa ganon kalaki pero madami na 'tong naitulong sa amin. May dalawang palapag kami na bahay, may sariling sasakyan din ng pamilya, yung van na kasya sa pangmaramihan. At ako na tatlong taon nalang magkakadeploma na.
Nakarating na ako sa mini bookstore dito malapit sa bayan. Hinanap ko na ang kailangan kong bilhin at binayaran na ito sa counter.
Pagkalabas ko ng book store, papara na sana ako ng tricycle ng may nahagilap na pamilyar na mukha ang mata ko.
May lumabas na matipuno at mga nasa 30s or 40s na lalaki at may nakayakap yakap sa kanyang sexy na babae na mukhang nasa 20s. Lumabas sila sa....teka napatingala ako sa pinagmulan nilang building at nabigla ng mabasa ang logo nito......
.
.
.
Hotel S-SSO--SOGO? ?Natutop ko ang bibig ko at ibinalik ang tingin sa lalaking pamilyar sa akin ng mabaling ang paningin niya sa may malapit sa akin.
At nakita ko ang buo nitong pagmumukha..ganun na lamang ang gulat ko ng pamilyar nga ang kanyang mukha, ngunit baka kahawig lang..pero naalala ko na may palatandaan pala siya sa mukha na sinasabing pampaswerte daw niya yon...hinanap ko ang palatandaan na nakita ko sa litrato...
sa may gitna ng ilong...
....may nunal!!
hindi ako pwedeng magkamali...
...hindi, siya talaga yon...
....Siya nga!!
S-Siya ngaa....
yung.....
siya yung....
.
.
.
.
.
.
.....Tatay ni gelo!!
YOU ARE READING
The Radiant Of Love (On-going)
Novela JuvenilA life lived in love will never be dull. They say that there is only one thing that we have to learn in this world, to love and to be loved in return. People do stupid things just because of love. But what does love really mean? She's a girl who ha...