Chapter 1

10 6 1
                                    

"Nak gising na, tanghali na akala ko ba'y mageenrol ka ngayong araw?!". Ayan na naman ang aking automatic alarm clock.

Naalimpungatan ako sa sigaw ng aking nanay, tumingin ako sa orasan na nasa harap ko ay pasado alas sais pa lamang.

Oo, tanghali na yan para sa nanay ko. Kaya naman sa halip na matulog ulet ay bumangon nako upang maghanda ng sarili. Maganda ang gising ko ngayon, kahit na sigaw ng aking nanay ang bumungad sa akin.

Ngayong araw kasi ang pagpunta ko sa bago kong paaralan upang mag enroll dahil kolehiyo na ako.

Finallyyy college na ko, teka teka baka nagtataka kayo kung baket ang saya saya ko e alam naman nating madugo ang kolehiyo? kung di niyo na itatanong, gustong gusto ko na talagang magtapos ng pag-aaral, syempre para hindi na magtrabaho sina nanay at tatay.

Anyways enough with the drama, nakasuot lang ako ngayon ng white printed shirt at pants. Nagsuot lang din ako ng flat shoes para less hassle at kinuha ang aking tote bag.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at umikot, ng makuntento na 'ko ay lumabas na ako sa aking silid upang mag-agahan bago umalis papuntang paaralan.

"Goodmorning to my pinakamagandang nanay and to my pinakapoging tatay" bati ko kina nanay at tatay na nasa hapag na saka umupo.

"Magandang umaga din sa pinakamaganda kong prinsesa, maganda ata ang gising natin ngayon? hindi ka ba naalimpungatan sa sigaw ng nanay mo?" tanong ni tatay habang tumatawa.

"Aba, paanong hindi gigisingin e ngayon ang araw na nakaschedule para sa enrollment niya mahal" sagot naman ni nanay. Ngumiti ako sa kanilang dalawa sabay lagay ng kanin at itlog sa aking pinggan.

"Alam mo tay, nasanay na 'ko jan kay nanay kaya nga hindi ko na kailangan ng alarm clock na kailangan ng baterya kasi may automatic alarm clock na ko hahahha" biro ko sabay ngisi at tingin kay tatay.

Pagkatapos kumain ay umalis na ko at pumunta na sa sakayan ng jeep papunta sa bago kong paaralan. Pagkababa ko ng jeep, isang mataas na bukas na gate ang bumungad sa akin.

Lyceum of the Philippines University Laguna, basa ko sa entrance ng school. Yep, dito ako nagenroll dahil maganda ang mga offer nila dito. BSA ang course na kinuha ko  Bachelor of Science in Accountancy.

Pumasok na ako at sa sobrang pagkamangha sa tanawin sa loob ng campus, muntik ko ng makalimutang nandito pala ako para magenroll. Kaya naman nagmadali na 'ko papunta sa registrar.

Mabuti't maaga pa kaya maiksi pa lamang ang pila. Habang nakapila ako, pinagmasdan ko ulit ang paligid, napakalawak ng campus, malinis, ang ganda ng tanawin at mahangin din.

Ang galing ko talaga mamili, pero never naman akong pinili. Ay! Joke lang.

Di ko tuloy namalayang ako na pala ang susunod. Pagkatapos kong mag enroll, tatambay na sana muna ako sa may waiting shed ng school para antayin ang mga kaibigan ko dahil papunta na daw sila pero nakita kong wala ng bakanteng upuan kaya naman tumayo nalang ako sa gilid ng poste na may lilim.

Pansin kong kanina pa, sulyap ng sulyap yung isang lalaking nakaupo sa waiting shed sa akin.

Nakamask at jacket siya kaya hindi ko gaano kita ang mukha, pero ang mga mata niyang malaulap ang kulay ay pansin kong sa akin nakatingin.

Tatanungin ko na sana siya ng biglang papalapit na pala siya sa pwesto ko kaya nagpanggap na lamang akong may ginagawa sa phone.

"Are you waiting for someone? Miss" saad niya sa malamig na boses, napaangat ang tingin ko at nagsalita "uh. Oo, mga kaibigan ko, papunta na kasi sila dito kaya aantayin ko nalang sila" sabi ko at binalik ang tingin sa hawak na phone.

"You can have my seat, looks like your friends are late" napaangat ang ulo ko sabay tingin sa kanya ng muli siyang magsalita, "baka mangawit ka" then he turned his back to me at kinuha yung bag niya na nasa upuan niya saka naglakad paalis.

Pero bago siya makaalis ng tuluyan, tumakbo ako papalapit sa kanya at hinarang ang harapan niya sabay sabi ng "uh, thanks" tumango lang siya at akmang lalagpasan na ako ng nagsalita ulet ako "anong pangalan mo? Dito ka din magaaral?"

Tumango siya at sabay sabing "Steve. I'm steve" at naglakad na ng tuluyan.

My mind was still in shocked, but I just saw his shimmering blue eyes. I'm not really interested when it comes to men, but maybe this Steve is an exemption huh.

Napangiti na lamang ako sa aking isipan.
Steve,,,,interesting huh...

The Radiant Of Love (On-going)Where stories live. Discover now