Chapter 2

14 6 0
                                    


After that incident, dumating na din ang mga kaibigan ko sa wakas.

Dahil sa maaga pa, napagdesisyunan kong samahan na din sila mag-enroll dahil wala naman akong gaanong gagawin sa bahay.

"Tambay muna tayo sa may Café de Amoré, balita ko magandang tambayan yon pag pasukan na malapit lang naman yon dito, ano tara?" saad ni anj, isa sa dalawa kong kaibigan.

"Oh sige maaga pa naman, pero uwi din tayo bago maglunch, paalam ko kala mommy dun ako maglulunch sa bahay e" sagot naman ni tine.

Tumango na lamang ako bilang pag sang ayon. Nang makarating kami sa sinasabi ni anj na cafe, namangha ako sa sobrang ganda nito at sobrang nakakarelaxed ng vibe.

Pumasok kami at nagorder ng iinumin, libre daw ni anj kaya sino ba naman kami ni tine para tumangi.

Engineering ang course ni anj, samantalang Entrepreneurship naman ang kay tine. Childhood bestfriends ko sila, dahil childhood besties din ang mga magulang namin.

Kaya naman sobrang close kami sa isa't isa pati na din sa mga pamilya namin.

Masasabi kong kuntento na 'ko sa pagkakaibigan meron kaming tatlo. May hindi man pagkakaintindihan minsan, ngunit madalas namang pinag uusapan at inaayos.

Nag-usap usap pa kami saglit ng mapagdesisyunan naming magsi-uwi na dahil magaalas onse na din ng umaga.

Dumaan ang isang linggo at araw na ng pasukan. Susunduin daw ako ni tine pagkatapos niyang masundo si anj, may lisensya na kasi siya kaya pinayagan na siyang magdrive papuntang school nila.

Magkakaage kami, sa birthday lang kami nagkakaiba. Mauunang magbirthday si Tine dahil April siya, sunod si Anj na July at ako ang bunso dahil December pa ako.

Umugong ang malakas na busina sa labas ng bahay kaya naman napabalikwas ako at minadali ang pag- aayos.

"Nak! Nanjan na sila tine aba'y bilisan mo at nagaantay sila dine, mga anak pumasok muna kayo at hindi pa ata handa ang prinsesa" saad ni nanay sa mga kaibigan ko habang umiiling.

"Goodmorning 'ta, Okay lang po 'ta antayin nalang namin dito" sagot naman ni anj, "morning 'ta" pagbati naman ni tine sabay kaway.

Dali dali akong lumabas ng bahay suot ang white long sleeve na may color red sa may button side nito, at pinatungan ko ng black vest, skirt ang pang ibaba at nagsuot din ako ng black shoes na may kaunting heels. Ito ang uniform ng freshman dito sa LPU.

"Anak ng, pinaghandaan masyado ang first day of school Marquez ah buti di mo dinala salamin mo sa kwarto hahaha" asar nito, inirapan ko lamang siya at umiling naman si tine.

Pagkarating namin ng campus nagkanya kanya na kami ng patutunguhan at napag-usapang susunduin nila ako pag break time para sabay sabay kami.

Tumango na lamang ako at hinanap na ang room number ko.

Nang makita ko ang room ko, pumasok na ako at nabigla ng lahat ng tingin nila ay napako sa akin. Awkward akong ngumiti at naglibot ng paningin para tumingin ng uupuan.

Nakita kong may bakanteng upuan sa may dulo katabi nung lalaking nakayuko kaya naman naglakad ako patungo sa kaniya.

Umupo ako ng dahan dahan para hindi magising yung katabi ko. At pinako ang paningin sa may pintuan para antayin ang aming prof.

Sumulyap ako sa aking relo at nakitang pasado alas otso na. 8:00-10:00 ang una kong subject. At ala una na ang susunod kong subject.

Habang nagmumuni muni, nakita kong gumalaw ang katabi ko kaya naman nilingon ko ito.

Nagtama ang mata namin, nasilayan ko ang kumikinang na kayumanggi nitong mata, matangos na ilong, magulong buhok at manipis at malabot na labi.

Aba, pogi... kaso kita kong nakakunot ang kilay nito habang nakatingin sa akin.

Kaya naman ang kanina'y nabigla kong mukha ay nagangat na din sa kanya ng kilay.

Magsasalita na sana siya ng may pumasok ng prof.

Sinabi lamang niya ang nga rules and regulations niya at iba pang announcement kaya naman ang tatlong oras naming klase ay umabot lamang ng isang oras.

May 1 hr pang natitira, hays. Ang bagot talaga ng first day. Habang nakatitig ako sa phone ko, nakita ko sa peripheral vision ko na may papuntang dalawang lalaki sa may pwesto ko?ay pwesto pala ng katabi ko.

Assuming mo naman Caris, yuyuko na sana ulet ako sa hawak kong phone ng magsalita ang isang lalaki na papalapit.

"What is up, gelo bro! Dapat pala nagpalate nalang ako, sabi sa inyo boring ng first day e. Tara sa tambayan" sabi nito sa katabi ko.

Napaangat ang tingin ko sa katabi ko na halatang bored na bored na tumingin sa nagsalita.

Nakangisi lamang ang isa nitong kasama at pabalik balik ng tingin sa amin ng katabi ko, kaya naman tinaasan ko ito ng kilay.

Magsasalita na sana ako ng marinig ang boses ni anj sa labas, "Marquez!walang klase" anak ng wala talaga pinipiling lugar bunganga neto.

Sasagot na sana ako ng magsalita yung lalaking ngumingisi kanina saken,
"oy blockmate, bat di mo sinabing dito ka pala pupunta edi sana sabay na tayo" saad nito na nakatingin kay tine, halatang siya ang kinakausap pero inirapan lamang ito ni tine.

Tatayo na sana ako ng magsalita si anj, "tara na ris, may masamang hangin na napadpad dito baka mahawa tayo" saad niya sabay hugot ng kamay namin ni tine paalis.

Naguguluhan akong tumingin sa mga lalaking nasa harapan ko at nakita ang nakakalokong ngisi nung lalaking tumawag sa katabi ko at nakitang pailing iling naman ang katabi ko,

ano nga ulet pangalan, adrian ata?ay hindi angelo..ah basta, pake ko ba?

Nasa Café de Amoré na kami ng maalala ko ang eksena sa room namin kanina kaya naman tinapunan ko ng nangungutyang tingin ang dalawa kong kaibigan.

Napataas naman ang kilay ni anj at nagkibit balikat lamang si tine. Parang may naaamoy ako, hmm.... sa halip na magtanong tinapunan ko na lamang sila ng nangungutyang tingin.

Anak ng first day palang to ah, goodluck sa mga dadaang araw.

The Radiant Of Love (On-going)Where stories live. Discover now