Chapter 5

5 1 0
                                    

Umuwi ako sa bahay ngtulala. Hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko. Hindi talaga ako namamalik mata, tatay nga talaga ni gelo yung nakita ko.

Pero..sasabihin ko ba sa kanya? Paano pag di siya naniwala? Baka sabihin niyang gumagawa lang ako ng kwento.

Hys. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang nakita ko, saka naglinis na ng katawan bago matulog.

Maaga akong pumasok dahil maaga ang klase ko. Hindi ko na hinintay sila tine at anj dahil 8 am pa daw ang pasok nila pareho kaya naman sinabi kong magcocommute nalang ako.

Isang sakay lang naman ng tricycle magmula sa bahay hanggang sa campus.

Kaunti pa lamang ang estudyante sa loob ng campus dahil kaunti lang naman ang may pasok ng ganito kaaga. 6:45am ng makarating ako ng campus, salamat naman hindi ako late. 7 am kasi una kong klase.

Nagmadali na kong pumasok ng campus  at dumiretso na sa aming classroom. Pag ka pasok ko ay medyo madami dami na sila, infairness mga responsable mga kaklase ko.

Natuon ang paningin ko sa lalaking nakayuko sa may dulo na upuan.
Anak ng lagi nalang tulog to pag nadadatnan ko ah. Naglakad ako papalapit dito ng may pumasok sa isipan kong kalokohan.

Magising nga toh...
Dahan dahan akong umupo sa tabi nito, at handa ng sigawan siya ng bigla siyang tumayo.

Aba'y muntik na kong matumba, buti nalang at nakahawak agad ako sa upuan ko.

"I'm not in a mood mau, next time nalang" aniya at naglakad palabas ng room.

Bumusangot lang ako at sinundan siya ng tingin, anong problema non? Ang aga aga bad mood ah?

Hindi kaya....? Aishh hindi naman siguro.

Umupo nalang ulet ako sa upuan ko at inantay dumating ang professor. Buti naunang pumasok si gelo kaysa sa professor, bumili pala siya ng tubig.

Tinignan ko siya, ngunit umiwas lamang siya ng tingin. Kaya naman hinayaan ko nalang.

Natapos ang tatlong oras ng klase namin sa accounting, grabe impyerno! Nakakaurat.

Tinatanong ko tuloy ang sarili ko kung bakit ito ang course na kinuha ko. First year pa lang, parusa na.

Nag- ayos nako ng gamit ko dahil break time naman namin, mamayang hapon pa yung next class namin.

Nagchat sina anj na 12 pa daw matatapos ang klase ni tine at 11:30 naman sa kanya.

Aantayin nalang daw niya si tine para sabay na silang pumunta ng Café de Amoré.

Napag-usapan kasi na sabay sabay kami maglunch. Paano ba naman kasi, masyado kaming nagkanya kanya nitong mga nagdaang araw. Si anj, may bagong dinedate ata na Criminology student, yun yung lagi niyang kasama kapag lunch. Akala ko nga yung isang kaibigan ni gelo na kaklase niya ang nagdadate sa kanya.

Si tine naman mga kablockmates lang daw mga kasama, natigil na yata sila nung isa din sa kaibigan ni gelo. Ewan ko ba sa kanila, di naman sila nagkwekwento kaya hinahayaan ko nalang.

Tapos ako naman, madalas na si gelo ang kasama ko kapag lunch. Kung hindi sa kapehan, dun kami sa tambayan.

Napag-isip isip kong bumili muna ng maiinom at pagkain sa cafe ng school bago pumunta sa tambayan.

Hindi ko muna kukulitin si gelo, halatang wala talaga siya sa mood. Kanina nga sa 3hours na klase namin, bagot lang siyang nakikinig sa prof namin. Di man lang binabaling yung tingin sa akin, kaya hinayaan ko nalang siya. Red flag yata, sungit e.

Sa tambayan din naman siguro siya tatambay, kasi sabi nga niya. Andun siya lagi tuwing mabigat ang loob niya.

Naglakad na ko palabas ng room hawak ang bag ko at nagtungo na sa cafe. 

The Radiant Of Love (On-going)Where stories live. Discover now