Chapter 3

6 4 0
                                    


Panibagong araw na naman, it was our 2nd day of being a freshman. Well, pangalawang araw pa lang naman kaya masasabi kong fresh pa naman kami, hindi ko lang alam sa mga susunod na araw.

As usual sinundo na naman kami ni tine gamit ang sasakyan na niregalo sa kanya nung 18th birthday niya.
As I entered our room, my eyes roamed around, nagpatuloy na 'ko sa pagpasok at naupo sa may pinakadulo.

Bakante pa ang katabi kong upuan, ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at kinuha ang phone sa aking bag at nagscroll na lamang sa facebook habang nagaantay.

Habang nagiiscroll, pansin ko ang panay sulyap ng babaeng nasa malapit sa bintana ng aming room. Nang lingunin ko ito'y bigla na lang nag-iwas ng tingin.

Nagtataka at taas ang kilay kong tinitigan ang babae hanggang sa magtama ulet ang aming paningin. Tumayo ako at akmang lalapitan na, ng natuon ang aking pansin sa taong kararating lang.

Dahil sa ako lang ang nakatayo ay sa akin natuon ang paningin nito. Ang lamig ng tingin niya, parang pasan niya ata ang buong daigdig.

Inismaran ko lang ito at tinuloy ang paglapit sa babaeng na kay gelo na ang tingin. Oo, si gelo nga, siya lang naman ang may malamig na tingin dito. Na animo'y laging naghahamon ng away. Tssk.

"hey, do you like me?" sarkastiko kong tanong sa babae, nabigla naman ito at natuon ang paningin sa akin habang paulit ulit ang iling. "Then why are you staring at me? Kanina ka pa lingon ng lingon, may problema ka ba sakin?" namumutla na siya sa kaba kaya naman tumawa ako ng malakas at naguguluhan namang napatingin ang mga kaklase ko sa akin, lalo na si gelo at ang babae.

"dejoklang dzaii hahaha did I scare you?halaa I didn't mean to, ikaw kasi kanina ka pa tingin ng tingin e" saad ko at akmang tatalikod na para bumalik sa pwesto ng may bumulong.

"Tssk. crazy"...napabaling ako at tinaasan ng kilay ang lalaking pinaglihi sa refrigerator.

"Excuse me? What did you just say?" asik ko at tinaasan siya ng kilay, nagkibit balikat lamang siya at hindi na ako pinansin. Pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa upuan niya sa may likuran.

Padabog akong sumunod dahil magkatabi lamang kami ng upuan. Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit ginantihan lamang ako nito ng pagtaas ng kilay.

Arghhh nakakainis, crazy? sinong crazy? eh binibiro ko lang naman yung babae, mukhang iihi na sa sarili niyang panty e. Hahahaha ang kulet ng mukha e baket ba. Boset nakakainis!

Dumating na ang prof namin sa araw na yon at wala ako sa mood makinig dahil naiinis ako sa katabi ko, pansin kong hindi din interesado tong katabi ko dahil nakapalumbaba lamang siya, buti nasa may pinakadulo kami kaya hindi pansin ng prof namin.

Basic Accounting ang subject namin ngayon, paano kasi may mga kaklase kami ngayon na ibang strand ang kinuha noong senior high sila kaya naman kailangang ulitin ng prof naming ituro ang basic accounting.

Anak ng second day may parecitation agad si sir. Panahon na naman para tawagin lahat ng santo.

"Mr. Dejara" tawag ni Prof. Salazar sa katabi ko, nababagot itong tumayo at humarap kay sir. "What are the first four steps in the accounting cycle?"

Bagot itong sumagot, " The first four steps in the accounting cycles are identify transactions, record transactions, posting and unadjusted trial balance."

" Okay thankyou Mr. Dejara, next...Ms. Marquez"
K
Gulat akong napahawak sa sintido ko
...grabe naman to si sir makafullname pa, eto na nga tatayo na nga. " Ms. Marquez, what are the next four steps in the accounting cycle. To be followed in Mr. Dejara's answer" lumingon ako sa katabi ko at kitang nag-aabang din ito ng sagot ko, tss.

The Radiant Of Love (On-going)Where stories live. Discover now