Chapter 49 - Shock

22 6 5
                                    

Adam's POV

Ilang beses nang tumawag itong unknown number sa akin pero hindi ko pa rin sinasagot. This is pissing me off. Nananadya talaga siya. I don't accept some stranger's call. At sa nakikita ko sa isang 'to, mukhang wala lang siyang magawa sa buhay kaya tinatawagan pa rin itong phone ko-I mean, phone pala ni kambal.

I-block ko kaya 'to? Oo, ngayon ko lang naisip 'yan pasensya na. Pero kasi naman kung may importante siyang sasabihin or kung magpapakilala, pwede naman siyang mag-text! Mahirap ba 'yun?

Kung sino ka man, magpakilala ka muna. Hindi ako tumatanggap ng tawag sa isang hindi ko kilala. Text me first. I typed at sinend ko naman dito sa pesteng number na nanggugulo ngayon sa buhay ko.

A few moments later, agad naman itong nag-reply.

So you don't know me, then? Alright, I'll tell you who I am. Let's meet at the coffee shop this 4. I'll text you the address.

Wait, what? Should I follow what this person says? Wala nga akong ideya kung babae ba 'to o lalake, eh! At kung pupunta ako ro'n, what if it's a trap?! What if... what if si Keila 'yan?!

What if ako as Adam pala ang pinupuntirya ng taong 'to? Kasi kung si kambal ang sadya nito, sana nakapangalan na ang number na 'to. Or baka nagpalit din 'to ng number? Argh, ewan! Susundin ko ba 'to o hindi?! Napa-praning na ako!

Matapos ang ilang segundo ay tinext na sa 'kin nitong unknown person ang address kung saan kami magkikita. Sinabi rin niyang wala na raw akong trabaho sa gano'ng oras. This is creeping me out dahil alam niya ang schedule ko! Pero.. siguro pupunta na lang ako. I have a strong feeling na importante ang pupuntahan ko. At least this is what my mind is saying.

When I arrived at the said coffee shop kung saan kami mag-uusap, agad na akong naghanap ng bakanteng pwesto. Lumingon naman ako sa paligid para tingnan kung nandito na rin ba itong taong hindi ko pa kilala.

"Niloloko yata ako nito, eh!" Sabi pa ng konsensya ko matapos ang ilang minutong walang nakikitang senyales.

But still, nag-text ako. I asked kung nasa'n na ba talaga siya. Wala akong natanggap na reply kaya napatayo na lang ako. Walang ibang sinayang ang taong umistorbo sa buhay ko kundi oras at load ko lang naman. Isali na rin pala ang gasolina since nag-abala pa akong pumunta rito sa lugar na sinabi niya.

"So hindi mo nga ako kilala. Hindi man naka-phonebook ang number ko sa phone mo, but Bryan knows it's me. So you're not him?" Boses ng isang lalake mula sa aking likuran no'ng maisipan ko nang lumabas. When I looked back,

Siya ang lalakeng napansin ko na ring nakatingin sa akin kanina nang lumingon ako sa kahit saan. Hindi ko lang sinabi kasi mukhang wala naman 'yon. Mukhang hindi naman niya ako binantayan.

And when he asked me kung hindi ba talaga ako si Bryan, napaupo ako ulit. Umupo na rin siya.

I looked at him. He's not even familiar! What if this is a trap? What if trick ito ng isang taong may binabalak na namang masama sa akin, o hindi kaya sa mismo naming kompanya? What if the moment na aamin ako sa kanya na ako si Adam, heto na ang gagamitin niya para mapabagsak kami? What if kay Keila talaga siya? Naguguluhan na ako kasi napakaraming possibilities agad ang pumasok sa isip ko!

Tama nang isiniwalat ko na kay Allan ang katotohanan ngayon lang. Nahirapan nga akong magtiwala sa kanya ulit kahit kilala ko na, dito pa kaya sa taong ngayon ko lang nakita? Telling him who I am is like choosing life and death right now! This is risky as hell!

"Don't worry. Anuman ang iniisip mong masama, hindi ako gano'n. I'm not the enemy here. Iisa lang ang kaaway natin," patuloy niya matapos ang ilang segundong katahimikan. Naramdaman niya rin siguro na wala akong tiwala sa kanya.

My Real Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon