Chapter 30 - Needed

30 6 28
                                    

Adam's POV

Adam,

This is me, your father. I have known all along where you're living. You are now having a life where you proved you can live independently for 5 years. I sent this letter to you as an urgent. We have something important to talk to. You can either choose to meet me in some restaurants or just in your house so I can also meet your family. I'm fully aware of your work at Eden Fashions tomorrow but I hope you could buy us some time. This is also business. Moreover, this is about your twin.

In case for you to contact me, here is my number: +639**********

Mr. Ericson A. Perez

I've been reading this letter he sent to me for like five times already. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon. Hindi pa rin mapasok sa isip ko kung gaano katagal na pala niyang nalaman kung nasaan ako. But all he did was nothing. Bilang isang anak niya, nasasaktan ako sa katotohanang hindi niya 'ko pinakitaan ng awa't pagmamahal. Bilang isang anak niya, nasasaktan ako sa katotohanang tuluyan niya na 'kong binalewala.

Yes, he has been observing me after all these years. Pero bakit nandito pa rin ako? Bakit hindi niya 'ko pinabalik sa 'min? Alam naman niya siguro kung gaano katindi ang pinagdaanan ko rito, 'di ba? Pero anong nangyari?! Nilunok niya lang ang pride niya. Because the fact na isa akong bakla, he doesn't give a damn.

Sana hindi niya na lang ako minanmanan. O 'di kaya... sana hindi niya na lang pinaalam sa 'kin ang tungkol dito. Kasi kahit posibleng isipin na may malasakit pa rin siya sa 'kin since matagal na pala niyang alam na nandito ako, hindi pa rin mawala sa isip at puso kong hinayaan na lang akong maghirap sa buhay ko. Hindi ko man makakasama nang ganito katagal sina Nanay Sandy at bunso kung kinuha niya ako kaagad, at least man lang 'di ba makikita ko rin na ako'y mahal niya bilang anak? Tapos ngayon bigla siyang magpaparamdam kasi may kailangan? Ang galing niya lang sa papel ng isang mabuting ama! Lecheng buhay 'to!

"YOU ARE SUCH A DISGRACE IN THIS FAMILY! KAHIT KAILAN, HINDI KO TATANGGAPIN 'YANG PAGKATAO MONG BAKLA! KUNG AYAW MO NANG BAGUHIN 'YANG SARILI MO, LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY NA 'TO!!!"

Napahawak naman ako sa aking ulo dahil sa biglaan nitong pagkirot nang pumasok sa 'king isip ang alaalang iyon.

"Kuya! A-Ayos ka lang?" muling pag-aalala ni bunso saka hinawakan ang magkabila kong braso.

"Okay lang ako, bunso." mahina kong sagot.

"Ang mabuti pa'y magpahinga ka muna." suhestyon niya. "Humiga ka muna rito sa sofa, Kuya. Magluluto lang din ako ng lunch." dagdag niya saka inayos ang unan sa sofa at tinulungan akong humiga.

Hindi pa rin matahimik ang utak ko hanggang sa lumipas na'ng gabi. Sinabi ko na kay Nanay Sandy ang tungkol dito kaya nakahanda na rin siya sa mga posibleng mangyari. Pero ang problema ko lang, hindi ko pa masabi-sabi kay Papa kung saan kami magkikita. Sa restaurant ba talaga o rito sa bahay?

Chineck ko ulit ang aking karamdaman habang nakaupo sa kama ng aking kwarto. Napagtanto ko namang hindi na masyadong mainit ang aking katawan. Salamat kay bunso.

"Dito sa bahay na lang siguro." walang buhay kong sambit sa sarili ko. Nakasarado naman ang pinto ng aking kwarto kaya malaya akong makapag-usap nang mag-isa rito. I'm still mad at him but I have no choice. Hindi naman gano'n katigas ang puso ko upang hindi siya kayang harapin. Mabuti na rin 'to kasi after five years, magkakaharap na ulit kami.

My Real Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon