Chapter 17 - River

105 30 24
                                    

Adam's POV

Tuktukaok!

Dahan-dahan kong binukas ang mga mata ko nang pumukaw ang tunog ng tandang sa natutulog kong sarili. Una akong nagtanggal ng mga muta dahil naramdaman ko itong hindi dapat hayaan. Saglit din akong humikab at nag-unat ng kamay saka inayos na rin ang messy kong buhok.

Dahil na-charge ko na rin kahit papaano ang cellphone ko kagabi bago ako natulog, nagawa nitong mabuhay ulit nang pindutin ko ng matagal ang power button nito. And just before it completely turned on, nakita ko ang bilog na wall clock sa may kisame. At dito ko nalaman kung anong oras na: it's 7:35 am.

Kahit nagdadalawang-isip, matapang kong sinuri ang aking social media accounts upang makita ang nagviral kong video. And I was right. Masyado na akong sikat ngayon to the point na ginawan ako ng sandamakmak na mga memes na nagpapahiwatig kung gaano katindi ang kanilang pandidiri sa aking pagkabakla. And now... the video.

Kahit alam kong sinasaktan ko na ang sarili ko sa kagustuhang makita ang mga comments ng video, pinili ko pa rin ang maging matapang. And by reading their comments, dito ko na nasaksihan kung gaano kasakit magsalita ang mga tao sa social media, kung gaano kadali para sa kanila ang manghusga sa mga hindi naman nila masyadong kilala.

WTF? Adam is GAY?!?! UNBELIEVABLE!

Delikado na talaga ang mga lalake ngayon. Kahit mga gwapo, mga gwapo pa rin ang gusto. Pa'no na lamang kaming mga babae ngayon? Huhuhu.

ADAAAMM! My Papa Adam! Why oh whyyyy??? This is the end of the world!

Iilan pa ang mga ito sa aking nabasa tungkol sa nagviral kong video. I understand how shocked they are pero so far, hindi naman masasakit ang kanilang mga sinabi sa akin. Natawa pa nga ako ng konti, eh. Although hindi ko pa rin gusto ang tawagin akong gwapo.

But still, I continued scrolling...

Putangina! Bakla pala ang future businessman na 'to?! What a SHAME!

If I were the girl, I would totally do the same. Agawin pa naman ng isang salot sa lipunan ang jowa niya?! THE NERVE!!!

There you go. Hindi na napigilan ang sariling magladlad matapos itago ang masangsang na amoy ng kabaklaan! Nakakadiri! Hindi naman bagay maging binabae! WAHAHAHA!

Dapat patayin na LAHAT NG MGA BAKLA SA MUNDO! MAS MABAHO PA KAYO SA TAE PUTANGINA NIYOOO!

Bakla pala 'to? Yuck! HAHAHA! Bigyan ng tae. *insert poop picture*

Kaya malapit nang katapusan ng mundo, eh. Naghahasik na kasi ng lagim ang mga putanginang bakla ngayon! MGA SALOT!

Mga lalake't babae lamang ang ginawa ng Diyos. Kaya lahat ng mga bakla at tomboy ay anak ng demonyo! Curse you all, LGBT people!

And these are the only hate comments na kinaya ko pang basahin maliban sa libu-libo pa roon na nakapost. Tila sinaksak ang puso ko ngayon ng paulit-ulit. Walang tigil kahit hindi na kaya. Walang tigil kahit marami nang dugo ang nawala.

My Real Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon