Chapter 1: Perfect Love

92 6 0
                                    

"Love, nandito na ko sa baba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Love, nandito na ko sa baba. nasan ka na?" excited na tanong ni Josh habang kausap si Justin sa cellphone.

"Ha?" nagtatakang tugon ni Justin sa kanya. Pero bigla nya agad naalala na may usapan sila ni Josh ngayong hapon. "Ay! Oo nga pala! Sorry, Love, 5 minutes lang ha. I-submit ko lang tong report na hinihingi then pack-up na ko."

"Hala! seryoso? Naku kailangan mo pa ba ng oras? Pwede naman kita hintayin hanggang sa matapos mo yan." pag-aalalang tanong ni Josh.

"5 minutes lang, Love. 'Yun lang need ko. Ayaw ko namang hindi matuloy yung lakad natin ngayon. Teka, 'san ba talaga tayo pupunta?" pagtatakang tanong ni Justin.

"Secret! Eto naman! Wala na kong surprise na hindi mo nabubuko. Pagbigyan mo na ko this time." sinabayan nya ito ng matamis na ngiti.

"Hala sya oh! Sa 9 years nating magkasama, bawat Anniversary natin paano naman hindi kita mabubuko ee hindi ka naman marunong magtago ng sikreto" gumanti ito ng matamis na tawa kay Josh.

"KJ mo naman, Love." sabay tawa nito. "Sige na pag-bigyan mo na ko this time. Ok?" lambing nito kay Justin.

"Oo na! Oo na!" pagsuko nito kay Josh. "Infairness! Wala akong kaalam-alam sa plano mo ngayon! Gumagaling ka na ha!" pagbibiro nito.

Hindi naman napigilan ni Josh na mapangiti ng sobrang tamis dahil ilang buwan niyang niyang pinagplanuhan ang araw na ito.

"Basta, Love. Lahat naman ng magagandang bagay sa mundo ee gusto ko para sayo" sambit nito habang nakangiti. "Basta, wait kita dito sa baba ha. Take your time. I love you."

"Corny!" ngiting sagot ni Justin. "Yan ang nagustuhan ko sayo! Gumagaling ka ng maging corny! Ang galing ko talagang magturo" sabay tawa nito. "Sige sige, tapusin ko na to. Tapos baba na agad ako. I love you too!" 

"Bye! See you later" sambit ni Josh.

"Bye!" sabay baba ng telepono ni Justin.

Di nagtagal bumaba na din si Justin dahil ayaw na ayaw nyang pinaghihintay si Josh. Ngunit nagtaka sya ng lumabas sa opisina ay wala ito sa entrance.

"Kayo po ba si Justin?" tanong ng isang batang lalaki na nasa pagitan ng 10-12 years old.

"Ayy!" pagulat na sambit nito. "Oo, ako nga. Sino ka?"

"May nagpapabigay po." sabay abot ng isang sulat. At agad din naman nya itong binasa.

~HAPPY 10 YEARS ANNIVERSARY LOVE! Let me take care of you this day. As you saved me and take care of me for the 10 years of my life. Please turn around.~ 

Agad syang tumalikod matapos mabasa ang mensahe.

Nakita nya si Josh na may hawak na bouquet ng bulaklak. Nakabihis naman ito ng pormal.

"Hi, Love." ngiting matamis ang bungad ni Josh sa kanya. "Happy Anniversary!" sabay abot ng bulaklak sa kanya.

Hindi naman mapigilan ni Justin ang kilig na kanyang nararamdaman at agad na namula ang kanyang pisngi. "Hala sya! Love ano 'tong pakulo mo?" ramdam niya na nag-iinit na ang kanyang mga pisngi.

[SB19] Hanggang sa Huli - JOSHTIN FanFic storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon