Chapter 6: Memories

39 2 0
                                    

JUSTIN POV

Ilang araw na ang nagdaan hindi pa din magawang sabihin ni Justin kay Josh ang kondisyon. Isang gabi habang nagsstream si Josh narinig nya ito na nagpapaalam na sa mga viewers. Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likod. Nagulat naman si Josh sa ginawa nya dahil naka-on pa ang kanyang cam. Nakita din ito ng mga viewers ni Josh.

 Nakita din ito ng mga viewers ni Josh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hello sa inyo." kinawayan nya sa camera ang mga viewers nito. At agad namang napangiti si Josh sa ginawa niya. Dahil bihira siyang magpakita o makipagusap sa mga ito kapag nagsstream siya. Gayunpaman, natutuwa din naman ang mga viewers nito kapag nakikita silang magkasama sa stream. Alam nila na suportado nya ang kasintahan sa career nito kaya't masaya ang mga ito para din sa kanilang dalawa.

"Hey Guys... you already know the news right?" ani nito sa mga viewers. Agad naman hinawakan ni Josh ang kamay ni Justin at ipinakita sa mga ito ang singsing na nasa kanyang kamay. Napatingin naman sya sa kasintahan. Kita nya sa mukha nito kung gaano ito ka-proud sa kaniya at sa relasyon nila. Natutuwa din ito habang nagbabasa ng mga comments. "Alam nyo guys, sobrang saya ko na nag-yes sakin si Justin. Sa isip isip ko kasi wala naman na akong ibang hiling pa sa buhay kundi ang makasama sya habang buhay. At masaya din ako syempre na naging part kayo ng journey naming dalawa."

Pilit niyang pinipigilang huwag pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata sa narinig. Hindi niya maaaring ipahalata sa mga nanonood at kay Josh ang nararamdaman. Agad namang siyang ngumiti at tumingin sa camera.

"Hi guys. Kamusta kayo? I just want to say thank all of you dahil sa mga messages nyo sa amin ni Josh. Nabasa ko mga messages nyo. Alam ko kung gaano kayo ka-importante kay Josh at ganun din sya sa inyo." Hinawakan naman siya ni Josh sa pisngi. "Please continue making him smile even when I'm not around on stream ha. Alam kong isa kayo sa nagpapasaya sa kanya dahil isa kayo sa dahilan kung bakit naabot na ni Josh ang mga pangarap nya. At gaya nga ng gusto natin para sa kanya.. our Ssob deserves all the good things in this world di ba. Hope you will all continue supporting him" Sabay thumbs-up at ngumiti sya sa mga ito. At napatingin siya sa mata ni Josh. Nakita niya kung gaano ito kasaya ng muli siyang nakikipag-usap sa mga viewers nito.

Agad namang naging soft-moments sa chat box ng stream ni Josh.

"Oh. bakit may pa-soft hours. Kanina puro kayo pick-up lines sakin ha. Tawanan lang tayo lagi mga pureh! Astig dapat tayo" Nakikipagtawanan ito sa mga viewers. "Oh sige na. Goodnight everyone. Pahinga na din kayo. Magpapahinga na din ako. Love you always. See you again next time!" agad naman itong nag-flying kiss sa mga viewers. Kumaway din siya sa mga ito bago mag-end ng stream.

Hindi pa man nakakatayo si Josh ay muli niya itong niyakap ng mahigpit mula sa likod.

"Oh bakit, Babe? ang lambing mo naman ngayon." pagtataka nito.

"Wala lang.... I just want to hug you." paglalambing niya dito. Tumayo naman ito at niyakap siya nito ng mahigpit. "

Gumanti sya ng mahigpit na yakap dito. Ramdam nila ang init ng katawan ng bawat isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[SB19] Hanggang sa Huli - JOSHTIN FanFic storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon