JUSTIN POV:
Halos mag-tatanghali na ng lumapag ang eroplanong lulan si Justin sa Manila. Agad nyang sinilip muli ang kanyang telepono ngunit wala talagang mensahe ang kasintahan sa kanya. Sinubukan nya din itong tawagan ng ilang beses ngunit hindi nya ito ma-contact. Kaya minarapat nyang dumaretso sa hotel kung saan nakacheck-in si Josh kasama ang kanyang mga ka-grupo.
Pagdating sa hotel, dahil na din sa pagod ay minabuti nya na ding magcheck-in muna upang makapag-ayos ng sarili. Matapos nito ay agad syang nag-ikot sa hotel para hanapin si Josh. Napadpad sya sa restaurant ng hotel, ngunit ang nakita lamang nya ay ang mga kagrupo nito at ang manager ng agency.
"Uyyyy! Si Justin oh!" Tawag ng isang ka-grupo ni Josh. Napatingin naman sa kanyang direksyon si Martin, ang pinaka-manager ng kanilang grupo.
"Ohh! Justin! Nandito ka pala. Sabi ni Josh nasa Singapore ka daw kaya wala ka kagabi sa tournament." nilapitan nya ito upang makipag-kamay.
"Yup. I just got back here earlier po." ngiting tugon ni Justin. "Uhmm. Si Josh po pala?" lumingon lingon sya sa paligid.
"Oh. Di mo sya kasama? I am expecting right now na pababa na sya dito for lunch. Since kaninang umaga ko pa syang hindi nakikita ee." pagtatakang tugon ni Martin.
"Uhm. Hindi ko po sya macontact kanina pa. Nagcheck-in po ako to freshen up since galing po ako sa byahe." ramdam ni Justin ang kakaibang kaba at agad itong napansin ni Martin.
"Oh Well, sige ganito. I'll ask the front desk to assist you on Josh's room. Gisingin mo na din at madami ang nainom nun kagabi sa event" agad siyang sinamahan ni Martin sa front desk. Ngumiti naman sya bilang pagpapasalamat dito.
--------------------------------------------------------------
Paakyat ng elevator nagbalik ang kakaibang kaba na nararamdaman ni Justin. Kasama naman niya ang isang hotel personnel na hawak ang isang Master Card sa hotel.
Pagdating sa 18th floor ng hotel, agad siyang sumunod na dulong kwarto ng pasilyo.
"Here we are po, Executive Suite 1819." agad na tinap ng empleyado ang card sa pintuan at nagbukas ito agad.
"By the way can I ask for a 2 cup of coffee and ice pack? pasunod nalang po dito sa room." bilin ni Justin bago pa umalis ang empleyado. Naalala nya na nabanggit ni Martin na napadami ng inom ang kasintahan sa event. Aware sya na hindi ganun kataas ang alcohol tolerance ni Josh kaya paniguradong tulog pa ito sa ngayon.
"Sige po. If you need further assistance po, you can reach us on our front desk po. Thank you."
Agad naman ngumiting tumungo si Justin at naging senyales ito na umalis na ang empleyado. Pumasok naman si Justin sa kwarto at sa kanyang pagpasok ay nakita nya ang polo ng kasintahan na nakasabit sa gilid Sofa. Agad nya itong kinuha at naglakad papunta sa kwarto. Bago pa man nya buksan ang pintuan ay nakarinig na sya ng pag-iyak mula sa loob nito. Mas lalong lumakas ang kaba ni Justin.
Binuksan niya ang pintuan at nagulat sya kanyang nakita. Magkayakap si Josh at Mau!
Agad namang nagulat ang dalawa sa pagbukas ng pintuan.
"Justin!" gulat na sambit ni Josh habang bumitaw sya sa pagkakayakap kay Maureen. Kahit nagulat man, tumungo agad si Mau sa sahig habang umiiyak at di magawang humarap kay Justin.
Hindi naman alam ni Justin ang mararamdaman. Hindi nya macontact ang kasintahan kahapon pa at kahit isang text ay wala siyang natatanggap mula rito. At ito pa ang bubungad sa kanya... sa muling pagbabalik nya. May kayakap si Josh na iba! Habang ito ay walang suot pang-itaas at halos ganun din si Maureen. Gusto nyang magalit, magwala at sumigaw pero nang dahil sa halo- halong emosyon na kanyang nararamdaman, unti-unting pumatak ang luha sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
[SB19] Hanggang sa Huli - JOSHTIN FanFic story
FanfictionYT Preview Teaser - https://bit.ly/31O0krU Sabi nila pag nagmahal ka, makakalimutan mong mahalin ang iyong sarili. Yung tipong ibibigay mo lahat, kasi nga mahal mo. Pero paano kung kailangan mong maging makasarili, para din sa kanya. Matatawag pa di...