JUSTIN POV: [a day after Josh's E-games tournament]
Sa sumunod na araw matapos ma-ospital si Justin, naalimpungatan siya ng pumasok ang isang Nurse sa kanyang kuwarto.
"Hi, Good Morning! I'm Nurse Alex. I'm assigned to be your attending nurse for today. Let me check your vitals." ngiting bati nito.
"Hi." nginitian naman nya ang nurse. Habang chine-check nito ang kanyang vitals ay sinilip naman nya ang kanyang telepono. Ngunit wala siyang natanggap na mensahe o tawag mula sa kanya ang nobyo.
Muling niyang naalala ang sinabi ni Mau sa kanya na mainit ang ulo ni Josh kagabi. Unti-unting nalungkot ang mukha ni Justin. Nakita naman agad ito ng Nurse at inoffer nito na buksan ang TV sa kuwarto. Mga ilang minuto lang ay laman ng balita sa Cable TV ang tournament na sinalihan ng kanyang kasintahan. At natuwa syang malaman na muling nanalo ang grupo nito. Agad nyang binuksan ang kanyang socmed para hanapin ang balita sa Official Page ng tournament.
Magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ni Justin matapos basahin ang balita. Nanghihinayang sya na hindi man lang nya nagawang suportahan ang kanyang kasintahan kaya sa kanyang palagay ay nagtatampo ito ngayon sa kanya. Muling napansin ng Nurse na malungkot sya kaya kinausap sya nito. Nakita ng nurse ang larawan ng post sa kanyang telepono.
"Oh, Josh Cullen of Philippines, right?" curious na tanong ng Nurse sa kanya.
"Well, Yeah." proud s'yang tumungo sa nurse. "How do you know him?"
"He's quite famous here also. He plays online games right? Some of the staffs here knew him since they also play online games. He is handsome too that's why many young people here like's him. His partner is lucky to have such a man like him. Well, I'm personally jealous whoever it is." masayang kwento ng Nurse. "Anyway, if you need something just press this button. I'll be at the nurse station only. Call me whenever you need me." ngumiti ito at lumabas na ng kanyang kuwarto.
'Di naman napigilan ni Justin ang kanyang sarili na malungkot at maluha dahil sa narinig mula sa Nurse. 'Ako swerte? Oo swerte ako at mahal ako ng isang Josh Cullen. Pero sya ba swerte sa akin? Worth it ba ko sa pagmamahal ng isang Josh Cullen?' Tanong nya sa kanyang isipan.
BINABASA MO ANG
[SB19] Hanggang sa Huli - JOSHTIN FanFic story
FanfictionYT Preview Teaser - https://bit.ly/31O0krU Sabi nila pag nagmahal ka, makakalimutan mong mahalin ang iyong sarili. Yung tipong ibibigay mo lahat, kasi nga mahal mo. Pero paano kung kailangan mong maging makasarili, para din sa kanya. Matatawag pa di...