Kinabukasan, agad na ibinahagi ni Josh sa kanyang mga fans ang kanyang pagpopropose kay Justin. Agad naman itong ikinagalak ng kaniyang mga taga-suporta. Matagal ng kilala din ng mga fans ni Josh na kasintahan nito si Justin.
--------------------------------------------------
Matapos ang kanilang special weekend get-away sa Baguio ay agad silang bumalik pa-Manila dahil kinakailangang pumunta ni Justin ng Singapore para sa kaniyang project.
"Babe, on the way na ko sa Airport. Sorry kung hindi kita masasamahan sa event mo this week ha. Bawi agad ako sa'yo pagkabalik ko." malungkot na sambit ni Justin kay Josh sa telepono.
"Ok lang Babe. Alam ko naman kung gaano ka-importante sayo yang project na yan. Tsaka ako nga dapat ang mag-sorry sayo kasi 'di na kita nahatid sa Airport. Biglaan din kasi yung patawag ng Agency para sa event namin this week." pagbibigay assurance ni Josh. Nakapangako si Justin kay Josh na sasamahan nya ito sa isa sa major event na sasalihan ng kanyang nobyo ngunit dahil na din sa urgent matter na kailangan nyang asikasuhin sa trabaho ay hindi na nito magagawang pumunta. "Ikaw, kumain ka sa oras ha? Tapos wag ka masyadong magpuyat. Message mo lang ako anytime pag may kailangan ka." dagdag pag-papaalala nito kay Justin.
"Opo!" sambit naman ni Justin na napangiti sa naramdamang pag-aalala ni Josh sa kanya. "At ikaw naman Mr. Josh Cullen, tandaan mo akin ka na ha. Ikaw ang nagbigay ng sarili mo sakin. Kaya pag lumapit sila sayo sabihin mo markado ka na ng isang Justin De Dios" sabay tawa nito.
Dahil sa taglay na charisma at isang sikat na E-gamer si Josh ay hindi maiiwasang may nagpaparamdam at nagpapakita ng interest sa kanya. Dahil open book naman na sa lahat ang relasyon nito kay Justin ay nagagawa namang dumistansya na agad ng iba. Pero may iba naman na sadyang hindi mapigilan na gumawa ng paraan dahil umasa na mapapansin sila ni Josh.
"Opo, Mr. Justin De Dios - Cullen!" sabay ngiti habang kinikilig si Josh. "Wag ka pong mag-alala iyong-iyo lang po ako ng buong buo. Handa akong ibigay ang labis at hinding hindi magkukulang"
"Ay sows! Dinadaan mo na naman ako sa mga ka-cornyhan mo." kilig na tugon ni Justin. "Papanoorin kita sa game mo ha. Good luck babe. Malapit na ko sa airport. I love you soo much. Message kita later. Bye bye!"
BINABASA MO ANG
[SB19] Hanggang sa Huli - JOSHTIN FanFic story
FanfictionYT Preview Teaser - https://bit.ly/31O0krU Sabi nila pag nagmahal ka, makakalimutan mong mahalin ang iyong sarili. Yung tipong ibibigay mo lahat, kasi nga mahal mo. Pero paano kung kailangan mong maging makasarili, para din sa kanya. Matatawag pa di...