Chapter 5: Choices

26 2 0
                                    

Pinauwi muna ni Justin si Josh upang makapagpahinga ito saglit at makakuha ng ilan pang-gamit dahil ilang araw pa ang kaniyang itatagal sa ospital dahil sa mga test na gagawin sa kanya.

Habang siya ay busy sa pagbrowse sa SocMed ay isang di inaasahang bisita ang pumasok sa kanyang kuwarto... si Mau.

Hindi niya maintindihan kung ano ang dapat mararamdaman ng makita niya ito. Ngunit naalala niya ang mga napagusapan ng kanyang kasintahan. Hinayaan niya itong maupo sa gilid nya. May dala itong prutas na inilagay muna nito sa malapit na mesa.

"Justin. Dumaan lang ako para magpaalam at magpaliwanag." malungkot na bungad nito. Patuloy lang na siyang nakikinig dito ngunit minabuti nyang tumingin sa labas ng bintana. "Hindi ko hahangarin or hihingin na patawarin mo ako. Gusto ko lang sabihin na walang nangyare samin ni Kuya Josh. Sorry kung naging mapangahas ako. Simula ng dumating ka sa buhay ni Kuya. Akala ko tuluyan na nya akong kinalimutan. Naging makasarili ako. Hindi ko naisip na hinahanap din ni Kuya Josh ang sarili niya. Naiinggit ako sa iyo sa totoo lang. Kasi sayo nahanap ni Josh ang bubuo sa pagkatao nya. Samantalang ako, akala ko si Kuya Josh yun. Kaya ko nagawa ang lahat ng iyon. Sana kahit si Kuya Josh nalang ang patawarin mo dahil mahal na mahal ka nya." Naluluha nitong sambit. "Dumaan lang ako dito para personal na magpasalamat sayo. Maraming Salamat kasi nandyan ka para kay Kuya Josh. Kampante akong iiwan si Kuya dahil alam kong magiging masaya na sya habang buhay sa piling mo. After nito magpapakalayo muna ako. Para mabigyan kayong dalawa ng katahimikan. Maraming Salamat ulit. Paalam Justin." Nagpunas ito ng luha at tumayo.

Pinigilan naman niya ito sa kamay.

"Maureen...." nagulat naman itong lumingon sa kanya. "Mag-iingat ka. Wag ka mag-alala di ko pababayaan at mamahalin ko habambuhay si Josh..." ngumiti sya dito. "Hangad ko na mahanap mo na din ang sarili mo Mau..."

Tumungo si Mau at ngumiti sa kanya. At nagpatuloy na itong lumabas ng kuwarto.

Naramdaman ni Justin na kahit papaano ay gumaan ang kanyang puso dahil isang parte ni Mau ang kanyang napatawad... ang pagmamahal nito kay Josh. Alam ni Justin na hindi siya mahihirapan na patawarin ito ng buo dahil na din sa tulong ng kasintahan.

Maya-maya naman ay pumasok si Doctor Martin kasama nito ang kanyang 2 juniors... at may kasama itong isa pang babaeng Doctor.

"Hi, Mr. De Dios. How are you feeling today?" ngiting pagbati nito sa kanya.

"Hi Doc. Martin. It's nice to see you po." pagbati niya dito. "Okay naman po ako. Medyo nakaka-catch up na sa mga bagay bagay."

"Oh. It's good to hear. Anyway, your labs from yesterday already came. And I need to ask you something... Is this really the first time happened to you? Yung pagkahimatay? and may iba ka pa bang nararamdaman o nararanasan na hindi mo ma-interpret? We need to know everything"

Agad namang naalala ni Justin ang nangyare sa Singapore.

"Actually before po mangyare yung incident ko dito.. naconfine na din po ako sa Singapore. Nahimatay na din po ako. But the doctor told me it was just a over-fatigue." pag-eexplain niya dito. "And kung dun naman po sa iba pang nararamdaman... uhmm... pwede po ba yung nanlalabo yung mata ko? pansin ko po ito nitong nakakaraang araw mula nung mahospitalized ako sa Singapore. Pero umo-OK naman po agad. Baka pagod lang yon." dagdag niya dito.

"Alright... Uhmm... Let's see..." muling binasa ni Dr. Martin ang labs niya. "Mr. De Dios, from what I am seeing here. There's something on your brain that is not usual to be seen on a normal brain... A mass..."

Parang nabingi naman si Justin sa kanyang narinig. "A what po?!"

"Mr. De Dios, after all the labs that we've done yesterday. It is clear that there's a mass forming on your brain... particularly on the frontal lobe of your brain. Though it's just like a size of a 5 cents coin. We still need to run more tests on you to make sure what is we really dealing on here." pagpapaliwanag nito.

[SB19] Hanggang sa Huli - JOSHTIN FanFic storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon