Chapter 10

87 8 0
                                    

[ Jasmine Moisel POV ]

"JAAAAAAS!" sigaw ni Kriselle.

"OHMYGOSH JAS! SI CHANYEOL!" sabi niya, kinikilig.

"Ano nanaman?!" sabi ko, I glared at her kasi alam naman niyang may sinusulat pa yung tao tapos kung makasigaw akala mo may sunog. Siyempre hindi ko pa din pinababayaan ang studies ko kahit ganito na ko.

"Just come with me!" sabi niya, hinatak ako papatayo. Inayos ko muna yung mga gamit ko at isinuksok sa bag lahat ng gamit ko sa labas dahil may palakang hindi makapaghintay.

Dinala ako ni Kriselle sa may pool area at medyo madami ding tao. Nakisingit kami kung anong meron at ang nakita ko na may practice pala sila sa swimming. Nakalimutan ko yung sinabi ni Baekhyun kanina na may practice nga pala sila at titignan kung sino yung mananalo sa kanila para lumaban sa championship against other schools. Sila Xiumin, Tao, Baekhyun....Chanyeol at may iba pang limang di ko kilala.

Pinapanood ko lang sila ng nagulat ako na naka-eye contact ko si Chanyeol at medyo ngumiti. Wait, is that my imagination or what? Teka, imposible naman yun noh!

"Ohmygee! Did you see that?! Ngumiti si Yeol sakin! OMG!" 

"Hindi kaya! Sakin kaya. Duh."

"No, mga echoserang frogs kayo. Sakin kaya tumingin kasi ako ang pinakamaganda dito." 

Napa-facepalm ako mentally at di ko na lang pinansin yung mga babae dun sa harapan namin.

Letting Him Go [Exo Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon