Chapter 5

205 10 2
                                    

I did it again

"Putspa ka kapre!" sigaw ni Baekhyun. Tinignan ko at tama nga hula ko. Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa sofa sa may sala. Hindi ko nga alam kung bakit pa ko kinakabahan dahil nandyan siya e.

"Psh." pinagmasdan ko lang na pumunta si Baekhyun sa kwarto habang itong exo naman ay mukhang natapos na sa pagpili ng uulamin mamayang hapunan kasi kakarating lang sa loob. 

"Magluluto na ko ah." sabi ni Kuya Kyungsoo at pumunta ng kusina. Nakita kong umalis na sa kusina si Chanyeol at ngayon na nasa sala na. Bigla akong tumayo sa couch kasi uupo siya.

"Iniiwasan mo ba ako?" malungkot na sabi ni Chanyeol. Umiling ako at ngumiti ng pilit. Liar. 

"H-hindi noh! Tutulungan ko lang si kuya. Sige ah..." sabi ko at umalis na. Narinig ko lang siyang nag sigh. Gusto ko muna siyang iwasan dahil baka mag-usap kami at saan pa mapunta yung pag-uusapan namin. Ayoko ng masaktan siya at ayoko na rin pahirapan ang sarili ko. Tama na ang kasinungalingang sinabi ko kay Chanyeol na kami ni Baekhyun. Sobrang sakit pa din, kaya ako umiiwas para di na madagdagan pa ang sakit.

"Oh, bat nandito ka?" sabi ni Kuya. -___- So? Pinapalayas niya ko dito sa pinakamamahal niyang kusina?

"Bakit, pinapalayas mo ko? Gusto ko lang naman tumulong. :3" sabi ko at nag pout.

"Yaaaak Jasmine. Tigilan mo yang pag pout mo babalibag ko sayo tong kalderong hawak ko. Kadiri ka. Sige na, tumulong ka na. Alam ko naman kasi kung bakit e. sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Manahimik ka kwago."

"Aba aba, matuto ka kayang gumalang sa kuya mo."

"Hoy kuya. 5 oras lang tanda mo sakin noh!" ang sakit naman kasi sa bangs, dapat ako naunang lumabas sa sinapupunan kaysa sa kanya para ako yung nagsasabi ng linyang yan e. -____- January 12 kasi kaming pareho.

"Haha. Ganun talaga pag mapalad. ^___~" 

"So di ako mapalad? -____-" sabi ko at tumawa lang siya.

"Joke lang. Tara na." sabi niya at ginulo ang buhok ko. Psh.

***

Kakatapos lang namin magluto at papunta ako sa kwarto ngayon para mag-aayos ng mga gamit. Mamaya pa kami kakain kasi maaga pa naman.

Bigla naman akong nalungkot sa nakita ko.

Pictures sa wall. Idinikit kasi namin diyan yung mga pictures namin together. Ayoko naman masyadong punuin yung wall kasi mapangit tignan kaya iilan lang yung mga nakadikit at yung iba nakatago sa album.

"Hoy. Jas, tumigil ka! Nakaka ilang timba ng luha ka na ba?" sabi ko sa sarili ko kasi nangingilid nanaman ang mga luha ko. Pilit akong tumawa pero di ko kayang tumawa.

Dati, masaya kami. Lagi kaming magkasama. Sabi nga ng iba eh parang di kami mapaghiwalay. Pero ngayon, wala na, ni hindi na magkausap at magkasama. Minsan, hindi mo talaga masasabi kung magiging kayo hanggang sa huli. Hindi mo rin masasabi kung kanino ka babagsak sa huli. 

Lumapit ako sa mga pictures na nakadikit. Pinagmasdan ko at unti unting tinatanggal. Kung makikita ko pa tong mga to, baka hindi ko kayanin. Baka ako sumuko agad. Kaya habang maaga, gagawin ko ang dapat para malayo siya sakin.

"Ireon nae mam jjijeojyeodo moreulgeoran geol... (You Probably don't know that it's tearing my heart apart...)"

Pinagmasdan ko ulit yung mga pictures. Natawa ako dun sa mga derp ni Chanyeol pero sumakit lalo ang puso ko ng maalala ko yung mga times na magkasama kami. Pero ngayon...di na...di na pwede. 

"Huh?" nagulat ako kasi may biglang humawak sa wrist ko na may hawak ng picture namin.

"Diba sabi ko, hindi yan tatanggalin?" no...

"C-Chanyeol..."

"Bakit mo ba to ginagawa, Jas?" malungkot na sabi niya. Napayuko ako at napatikom lang ng bibig.

"Alam kong ako ang mahal mo---" I gather my courage at naging matapang.

"Kalimutan mo na ko. Imagine that I don't exist. Leave me and... don't love me. Find someone who will love you." kahit na gusto kong umiyak, hindi pwede. Kailangan niyang makita na desidido na ako. Kailangan kong ipalabas sa kanya na hindi ko na siya mahal para di na siya masasaktan pa.

"B-bakit mo ba ginagawa sakin to?"

"Kasi... mahal ko si Baekhyun. Nagkamali ako at natuklasan ko sa sarili ko na mahal ko pala siya. Sorry." sabi ko at tumalikod. Ayokong makita siyang nasasaktan. Dahil doble ang sakit.

"Hindi ako titigil. I can't stop loving you and I won't stop. I will never stop loving you. Tandaan mo yan...sabi niya at umalis na. Nagulat pa ako ng konti dahil binalibag niya yung pinto.

Sorry. Kalimutan mo na ako. Ayokong masira ang pangarap mo. Ayokong maging hadlang sa mga pangarap mo sa buhay. Let me forget you. Kung hindi ka titigil, hindi rin titigil ang sakit sa puso ko. Kailangan kong maging matapang para sating dalawa. Kailangan kong makalimutan ka. Sana maintindihan mo dahil para sayo din naman to.

***

Okay, parang sobrang tahimik naman ata dito? Helloooooo? May kaluluwa pa ba tong mga aliens na to? Bat parang himala at natahimik? Waw. Perstaym! Kapag kumakain sila, hindi mawawala ang daldalan. Pero anyare? May sakit ba tong mga to?

"Ehem." umubo ako para mabasag ang katahimikan.

"Anong problema?" tanong ko sa kanila at napa Kuya kwago style sila. D___O Nagulat siguro.

"Wala. Uy, Xiumin kumukuha ka nanaman sa plato ko! Kumuha ka dun oh!" sabi ni Luhan kay Xiumin. So ayun, nagbangayan yung dalawa at nag start umingay. Hala? Tell me, ibang tao na ba tong mga kaharap ko? Pero nakakailang ah, kanina pa nakatingin sakin si Chanyeol. -__- Magkaharap kasi kami sa table eh. Haaay, manhid ka ba talaga Chanyeol?! Bakit ba ang hilig hilig mong saktan ang sarili mo?! 

"Psst. Jagiya, kain ka nito oh. Isusubo ko na lang." alok ni Baekhyun.

HA????! Jagi----WHAT?! Teka... oo nga pala.

"A-Ahhh. Mmm. Salamat. J-Jagiya." di ako sanay. -____- Leche naman kasi tong si Baek, may ganyan ganyan pang nalalaman.  Kay Chanyeol ko lang naman kasi ginagamit yun. 

Nakita ko si Chanyeol na parang maluha luha nanaman. Tumayo siya na buhat ang plato niya. Umalis siya at pumunta ng kusina. At dahil dun, sumakit nanaman ang puso ko.

Nasasaktan ko nanaman siya. I did it again. 

Letting Him Go [Exo Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon