Chapter 13

60 2 0
                                    


Akala ko talaga ako yung sinamahan nila...



Akala ko nagbago na sila...



Akala ko may nakain silang hindi maganda at pinagpapasalamat ko yun kanina two hours ago...



Yun pala...



"Jas!! Kung etong kulay kaya?" tawag sakin ni Chen.



"Jongdae, why are you asking me every single color of that stupid water gun? I'm telling you this again, it's all the same. Pare-parehas lang yang bumabaril ng tubig." sabi ko.



Not again........



"Noona, what do you think?" sabi naman ni Sehun, while holding an inflatable donut o salbabida.



Kasi daw baka daw "malunod" daw sila. Kawawa naman daw yung mga Exo-ls pag nangyari daw yun. Syempre "daw" maoospital sila at pagbabawalan na sa mga outings.



Jusko, baka ako pa maglunod sa inyo kung di niyo talaga tatantanan yang pamimili ng inflatables.



Imagine, kanina pa kami dito!



"Guys, mahiya hiya naman kayo sa mga tao dun. Ano kayo mga bata?" tanong ko, holding my forehead.



Actually, ginawa nila akong katulong e. Hindi nga sila namumukhaan dahil ang galing nila mag-disguise pero sa tuwing makikita ako ng mga tao na sunod sunod ako sa kanila na animo'y utusan, naririnig ko silang naiingit sa isang "servant" na tulad ko. Kasi okay lang daw sa kanilang pagsilbihan ang ganitong mga kaga-gwapo na mga lalaki.



Pwes, ako hindi! Nakakaloka!!



"Oh Jas. Bakit nandito pa din kayo?" tanong ni Kyungsoo.



"E pano, etong si Chen, Sehun, Kai, Xiumin, Tao at Luhan kanina pa ko ginagawang alila e puro mga laruan at inflatables ang pinagbibibili." sabi ko tapos lumingon to see kasama pala niya sila Chanyeol, Suho, Kris at Lay.



"Patigilin niyo na nga tong mga batang to. Hirap sawayin e. Gusto pa yata yung iba't-ibang klaseng salbabida e. Tas gusto pa nung isa habang may salbabida, may life jacket pa siya. Sinong tanga gagawa nun?" tanong ko sa kanila.

Letting Him Go [Exo Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon