Chapter 9

112 8 0
                                    

[ Jasmine Moisel POV]

Nakaligo na ako, nakapag breakfast na medyo awkward atmosphere na naman as usual, nakapag toothbrush na ko and all. Nakapag curl na din ako ng buhok ko. Medyo di sanay kasi di ko masyado tong ginagawa and besides tinuruan naman ako ni Kriselle kagabi kaya medyo nagiimprove naman. Nakabihis na din ako ng dress at nag heels and make up na ko.

"Jas, ok ka na ba?" rinig kong tawag sakin ni Suho sa labas ng kwarto ko.

"Ah, yes tapos na wait lang. Sunod na lang ako sa baba." sigaw ko pabalik.

"Sige hintayin ka na lang namin sa baba. Bilisan mo na dyan ha." sabi niya.

"Ok!"

Kinuha ko na yung bag ko. Hindi na siya backpack na dinadala ko as usual kundi yung bag na mas bagay na dito sa outfit ko. I will show them what I'm capable of.

Pagbaba ko nakasakay na ata silang lahat sa van kasi wala ng tao sa baba. Lumabas na ko tas nilock ko yung bahay at yung gate. Pagbukas ko ng van, nakabukas din yung mga bibig ng mga nasa loob. Okaaay?

"Baka may langaw na pumasok, isara niyo yan." sabi ko sa kanila at dali dali nilang tinikom yung mga bibig nilang OA sa pagkabukas.

"Jas!! Ikaw ba yan?!" sabi ni Tao.

"Ay, nope. Di ako to." pilosopong sabi ko kay Tao.

"Bakit ka naman nag-ayos ng ganyan? San lakad?" sabi ni Luhan.

Letting Him Go [Exo Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon