Chapter 1

548 14 7
                                    

[Jasmine Moisel POV]


"I'm breaking up with you, Chanyeol." di ko na napigilan yung mga luha ko. Patuloy silang bumabagsak kahit pilit kong sabihin sa sarili ko





Tumingin siya sakin tapos tumawa. Tawa siya ng tawa na parang walang balak na tumigil.





"Natutunan mo ba yan kay Chen hyung? Nice one." sabi niya pero nakatitig lang ako sa kanya kaya tumigil na siya sa pagtawa.






"I'm serious." sabi ko, maluha luha. Alam ko namang nakikiramdam na siya kasi kanina pa ko wala sa mood nung gumagala kami kasi alam kong last date na namin yun.




"Stop it, Jas. Di magandang biro to. Please, Jas. Sabihin mo naman sakin kung bakit. Sawa ka na ba sakin?" sabi niya habang nakaluhod.





Please, Chanyeol. Wag ka ng ganyan, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ayokong nagkakaganyan ka.




"Chanyeol... Please. Tama na." sabi ko at akmang aalis na pero hinawakan niya yung kamay ko.


Please, bumitaw ka na. Wag mo na din akong pahirapan.

"Jas, hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan." sabi niya.



Tumahimik tapos unti unti akong naglakad papalayo pero napatigil ako sa mga susunod na sinabi niya.





"Hindi mo na ba ako mahal?" sabi niya.




Dun ako lalong natakot. Natatakot ako at alam kong tatanungin niya yan kaya gusto ko nang lumayo at umalis. Ayoko siyang masaktan lalo. Pati ako nasasaktan na.





"Chanyeol. Tama na. Please be happy." sabi ko at aalis na sana pero niyakap niya ako mula sa likod. Lalong pumatak yung mga luhang kanina pa nagbabadya na bumagsak.




"Pano ako sasaya kung ikaw ang kaligayahan ko? Please, Jas. Wag mong gawin sakin to." sabi ni Chanyeol na umiiyak na.




"Jas, Mahal kita. Ako, mahal mo pa ba ako? Alam kong mahal mo pa a---"




"Hindi na kita mahal, Park Chanyeol." sabi ko at umalis ako sa yakap niya.

Nagulat ako sa sinabi ko pero there's no use taking all of those back.

"Hindi totoo yan, Jas. Alam kong mahal mo ko. Wag mo kong iwan, Jas." sabi niya, na may nanginginig na boses.




"Can't you see?! Sawa na ako sayo, hindi na kita mahal!" sabi ko at hinarap siya. Tuloy tuloy yung patak ng luha ko. Wala na akong choice para bitawan niya ko kundi ang mga salitang iyon.





Tumalikod ako at bumulong. "Mianhae, Chanyeol. Saranghae... Annyeong." [I'm so sorry, Chanyeol. I Love You... Goodbye.] at tumakbo na papalayo. Yun na lang ang paraan para lumayo na siya sa akin. Mahal ko pa siya, mahal na mahal. Kailangan ko lang tong gawin. I'm so sorry, Chanyeol.





Tumakbo ako ng tumakbo papalayo. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao ngayon. Yung iba nga naririnig ko pa yung bulungan nila. I don't care.

Ang sakit, sobrang sakit. Ang sakit sa puso, nadudurog na yung puso ko. Hindi ko mapigilan yung mga luha ko. Patuloy pa din silang bumubuhos. 


Sinabayan pa nitong ulan yung mga luha kong hindi ko mapigilan. Hinayaan ko na lang yung sarili kong mabasa ng ulan. Wala akong pakialam kung magkakasakit ako. What's the point of living kung hindi mo siya kasama? Pero alam kong masama yun, it's just-- Ang sakit lang. 



Letting Him Go [Exo Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon