S#1

49 3 0
                                    

"Saan po ba dito ung room 305?" tanong ko sa babaeng nasa gate. Nasa school ako ngayon, first day sa Quins HS. Excited na nga ako eh, ang laki pala nito. Mahirap kabisaduhin.

"Ah dun sa pangatlong building, pangalawa sa dulo." sagot sakin nung babae.

"Ah sge. Thankyou." sagot ko at naglakad na papunta dun sa sinabi niya.

Habang papunta ako dun, may nasalubong akong lalaki. Ang tangkad, gwapo, medyo maputi, ang bait ng itchura na naglalakad pasalubong sakin.

Kaya naman habang naglalakad ako eh nakatingin ako saknya. Sinusundan siya ng tingin ngunit diko napansin na diko na pala nakikita dinadaanan ko kaya may nakabunggo akong babae. Nahulog mga gamit niya.

"Sorry.. diko sadya." sabi ko habang pinupulot ung gamit nyang nahulog.

"Ah di ayos lang.." nakangiti nyang sabi.

"Sge una na ako." sabi ko at naglakad na papunta sa 305. Napansin ko naman na sinusundan nya ako. Kaya nung pagpasok ko nung room, pumasok rin siya. Naglaan ako ng table sa tabi ko para saknya.

"Dito oh." turo ko sa upuan at umupo siya.

"So, magkaklase pala tayo." sabi niya at nagkwentuhan muna kami habang wala pa ung teacher namin.

"Hello!" bati saming dalawa ni Maurine ng 5 na babae. Kaya naman ngumiti nalang kami.

Dianne Maurine nga pala pangalan niya. Short for Mau. First friend ko sya dito sa Quins HS. mabait, medyo pandak, maputi, maganda, madaldal at masiyahin, tawa ng tawa.

Yung lumapit na limang babae samin? Magaganda sila. Yung isa matangkad, yung isa naman morena, yung isa medyo hawig ko, yung isa naman blooming at ung huli kayumanggi. Mukhang mataray man pero friendly.

Natapos ung buong araw ko na kasama ko sila. Masasaya silang kasama. Pakikilala ko na sila.

Yung isa si Misty Ajedo. maganda, morena, matangos ilong, matalino, mabait naman kaso may saltek.

Yung isa si Alexandra Abides short for Alex. pinakamatangkad samin, maingay, maganda, mabait kaso ung kilay nakataas kaya mukhang mataray.

Yung isa si Athena Garcia short for Tin. maganda, mabait pero wag mong gagalitin, makulit at blooming.

Yung isa si Gabriella Santos short for Ella. Ayan daw ung kamukha ko, maganda, mabait, matalino.

Yung isa si Sabrina Audrielle short for Sab. Maganda, black beauty eh. Mabait, makulit, at talented.

Nagsimula naman ung first day ko na masaya. Nagkaron agad ako ng maraming kaibigan. Hays, saya talaga mabuhay.

SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon