S#6

33 1 0
                                    

Atasha's POV

Gabi na hindi pa rin ako makatulog. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Bakit sa dami ng tao yung crush ko pa? Pero okay na rin. HAHAHAHA. Hindi joke, pero sana maging close kami. Teka kilala niya kaya ako? Ewan. Kailangan ko na matulog. Isang araw pa ako dito sa Hospital. Kainis naman. Di ko siya makikita. Hmp.

//Morning//
Pagkagising ko wala si Mommy. Wala akong kasama. Okay lang, sanay naman akong iniiwan eh. Lol #hugot.

"Atasha!" sigaw ng mga kaibigan ko.

"Kamusta kana? Alam mo ba si David nagdala sayo sa clinic? narinig ko siya rin nagdala sayo dito ah? Ano feeling ng kasama si crush? Heaven ba? HAHAHAHA!" tuloy tuloy na tanong nila sakin at ang ingay. Akala mo nasa bundok yung kausap.

"Teka teka nga. Hinay hinay guys." sabi ko habang pinatatahimik sila.

"Una sa lahat, mahiya naman kayo. Ang ingay niyo. Andito lang ako nga teh. Wala ako sa bundok. Pangalawa, ayos nako. Mamaya pagdating ni Mommy makakalabas na ako. Thank God. Pangatlo, Ano feeling? May pinaghalong masaya na ewan." sagot ko sa kanila at umupo ako.

"Hala bakit naman? Chika mo." sabi ni alex.

"Medyo masungit siya na ewan. Diko alam. Basta." sagot ko at sakto namang pagdating ni Mommy.

"Anak makaka alis na tayo. Aayusin ko lang mga gamit mo tapos alis na tayo." sabi ni Mommy tumango nalang ako.

Napagdesisyunan kong pumasok nalang. Kasi sayang oras wala namang gagawin sa bahay. Kaya pumasok na kaming magkakaibigan.

Pagpasok namin, wala kaming teacher kaya magkwe kwentuhan nalang kami.

"Kwento naman kayo tungkol sa buhay niyo.. lovelife mga ganon. Wala akong alam eh." sabi ko sa kanila.

"Sige sige gusto ko yan!" sigaw ni Ella.

"Ako una." sabi ni Misty.

"Meron akong crush simula elem. Niligawan nyako nung elem kaso alam mo naman ako mabait at inosente pa kaya diko sinagot. Pinagsisisihan ko nga eh. Kasi hanggang ngayon crush ko padin siya." pageexplain nya na damdam pa.

"Anu pangalan? baka kilala namin." sabi ni alex.

"Luis." sabi ni Misty.

"Luis ano!?" nagtataka kong tanong. May kakilala kasi akong luis.

"Luis San Diego." sagot niya tapos pinakita pa samin yung picture.

"Seryoso? Eh kilala ko toh eh! Bestfriend ko to. Simula grade5 bestfriend ko nayan. Ex niya ung bestfriend ko nung elem. Teka, parehas tayo ng school? Bakit parang di kita nakikita?" sagot ko.

"Weh? Ikaw ba yung laging kasama ni Elaine, yung ex ni Luis?" tanong sakin ni Misty.

"Oo ako yun. Si Elaine ung bestfriend ko nung elem na ex niya si luis kaya lalo kaming naging bestfriend ni Luis." sagot ko.

"Ang small world naman." tapos nagtawanan kami.

"Dibale akong bahala. Basta kapag niligawan ka niya, sasagutin mo ha. Wag ka na painosente at pabebe." natatawa kong sabi at sumunod namang nagkwento si Athena.

"Ako wala akong crush eh. Wala rin akong bf. Pero meron akong ex boyfriend. Diko nga alam kung pano makaka move on dun eh. First ko kasi siya." nahalata naman sakanya na naiiyak kaya tinap ko likod niya para hindi maiyak. Kaya sabi ko kay Mau siya nalang muna.

"Ako wala pa akong nagiging boyfriend. Meron akong crush pero diko siya kilala eh. Sa itchura lang." sabi niya at tinuro naman niya si Ella.

"Ah ako? Eh may crush ako pero malabo namang magustuhan din ako nun eh." sabi niya sabay turo naman kay Sab.

"Ako aaminin ko sainyo, wala akong permanenteng lalaki. Hindi naman sa malandi ako pero fling lang habol ko sa lalaki. Simula nung niloko nung lolo ko yung lola ko." sabi niya at lahat kami nakikinig dahil nakaka curious kaya.

"Niloko ng lolo ko ung lola ko kaya nagagalit ako sa mga lalaki. Ang lumalabas pa, tinatakwil nila mama ko kasi isa lang daw syang pagkakamali. Kaya naiinis ako sa mga lalaki. Gusto kong maramdaman nila ang nararamdaman ng lola ko tska Mama ko." dagdag pa niya.

"Alam mo Sab. Kung ikaw nga nainis na niloko ung lola mo eh. Pano nalang kaya ung mga niloloko mo? Hindi purket niloko lang ng lolo mo ung lola mo eh lahat ng lalaki manloloko na." payong kaibigan ko saknya.

"Oonga. Dapat patunayan mo lang sa sarili mo na kahit ang saklap nung nakaraan ng pamilya mo, dapat maiba ka dun." dagdag pa ni Misty.

"Seryoso, bilang kaibigan mo.. pano nalang kung ung mga niloko mo sobrang mahal ka. Tapos napamahal ka nalang ng hndi mo namamalayan tapos niloko ka? Anu nalang mararamdaman mo diba." dagdag ko pa.

"Ewan ko. Basta." sagot niya kaya naman iniba ko na ung topic.

"Ako naman crush ko ung kasabay mo madalas pumasok Atasha. Yung lalaki. Bestfriend mo yun diba?" sabi ni Alex.

"Ah oo. Si James! Alam niyo.. mahalaga naman eh masaya kayo. Kaya wag na kayong magdrama diyan. Sasaya kayo, promise ko yan. At kapag dumating ung panahong masasaya na kayo sana hindi nyo pdin ako nakakalimutan." pagdadrama ko at lahat naman kami nagsitawanan.

Magsasalita na sana ako nung tungkol sakin ng biglang nagbell. Uwian na. Ang sarap pala feeling ng ganito noh. Yung alam mo na yung tungkol sa buhay ng mga kaibigan mo.. kahit naman puro hindi masasaya mga lovelife nila, atleast matr try mong gawan ng paraan mapasaya lang sila.

Kasi may mga ganung tao talaga. Yung mas inuuna pa kaligayahan ng iba bago sa kanila. Basta ang mahalaga? masaya nasa paligid nila kahit hindi na sila.

SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon