S#4

39 1 0
                                    

Masaya kaming magkakasama ng mga kaibigan ko. Ilang days nalang.. October na. Parang kailan lang. Ang bilis ng panahon. Hindi ko nga namalayan na malapit na pala kami mag 2nd year at sa pagdating nung panahon na yun.. gagraduate na siya.

"Guys alam niyo nababadtrip na talaga ako kay diyan kay Tin." sabi ni Misty.

"Bakit naman?" tanong ni Ella.

"Masydo na syang plastik. Nakakainis." sabi ni Misty habang naglalakad kami. Vacant na kasi namin. Si Tin bumibili ng burger susunod nalang daw siya. Kaya naman napagusapan namin siya.
Pero hindi ako gaanong nagsasalita at kumikibo.

"Oo nga eh. Tapos ang hilig pa mangbasag. Akala niya kasi takot sa kanya lahat tayo." sabi ni Sab.

"Bakit hindi ba?" singit ni Alex.

Walang sumagot kaya nagsalita ako.

"Kayo oo pero ako hindi." sabi ko at napatingin naman sila saakin.

"Alam niyo sa tagal nating magkakasama, pwede naman mag open forum." sabi ko pa.

"Wala naman tayong mapapala dun eh. Feeling niya siya lagi tama." sabo ni Mau.

"oo nga. Pero alam niyo nakakabwisit kasi talaga siya eh." Dagdag pa ni Alex.

"Alam niyo ba tawag dyan sa ginagawa niyo? Backstabbing." sabi ko at umalis na.

Siguro nagtataka kayo kung bat ganon nalang ung pagdedepensa ko kay Tin? Kasi siya ang tinuturing kong kapatid saming magkakaibigan. Kumbaga, sistah. Kaya di siya ganun sa pagkakakilala ko. Kaya ayokong ginaganun siya kahit ng kaibigan ko pa.

Kahit sino naman diba? Tska kapag may problema ka sa isang tao, sabihin mo para mabago niya. Hindi ung binabackstabb. #whogoat01

Pano siya magbabago kung akala niya lagi na lang siyang tama? Ginawa ang tama para malaman ang ating mga pagkakamali, hindi para dagdagan pa. #whogoat02

"Atasha ano bang nangyari sayo?" tanong sakin ni Misty.

"wala." walang gana kong sagot.

"Anong wala? kanina kapa hindi kumikibo dyan? Namumutla ka pa. Ano bang nangyari?" sunodsunod nyang tanong sakin pero ngumiti lang ako.

Nahihirapan ako ngumiti. Lalo na kapag di naman talaga ako masaya. #whogoat03

Ewan ko pero wala ako sa mood ngayon. Di ako masydong nagsasalita.

Nung pauwi na kami.. nakakainis. Nagpapila pa yung teacher sa gate. Ayusin daw muna ung pila. Kelan pa nauso sa Quins HS yun? Haysh. Gusto ko na umuwi at magpahinga.

Tirik na tirik ung araw. Sobrang pinagpapawisan na ako. Tapos ang siksikan at ingay pa.

Pagkalingon ko sa likod bigla kong nakita si David. Kasama nanaman ung babaeng nakita kong kasama niya sa Cafeteria. Sino ba yang babaeng yan? Naii stress na nga ako, dinadagdaga pa niya.

Lagi nalang niyang kasama si David. Tapos kung makadikit eh akala mo di na magkikita bukas. Kung maka hawi ng buhok ni David akala mo nanay. Sipain kita palabas ng quins hs eh. Asar. Landi! Teka. #Selos? #AnoKaBaNiya? Aray.

Binalik ko nalang ung tingin ko sa harap. Nabwibwisit lang ako. Gusto ko na talaga umuwi. Naiinis nako sa paligid ko.

Maya maya kinakalabit ako ni Alex.

"Ano ba!!" sigaw ko na medyo napatingin sakin ung ibang nakapila. Pano ba naman naiinis nako mangungulit pa.

"Teh! Hinaan mo naman yang boses mo. Si David nasa tabi mo!" tapos ngumunguso pa syang tinuturo si David at oo nga. Nandun sa tabi ko. Nakapila rin.

LUPA BUKA! ibaon mo nako!

Pagtingin ko naman saknay ay busy siya sa cellphone niya. May katext pero ayoko mag mukhang chismosa kaya dinedma ko nalang.. kunyari di sya ung katabi ko.

Maya maya nakaramdam nalang ako ng biglang dumilim ung paligid ko.

SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon