S#7

47 3 2
                                    

Papasok na ako ng school. Kasabay ko si James. Bestfriend ko to elem palang. Medyo malapit lang naman bahay namin. Lagi nyakong pinupuntahan sa bahay para lang sabay kaming pumasok. Oh diba boybestfriend ko yan eh.

At nung bakasyon? Aaminin ko, manhid ako. Naging manhid ako. At ewan ko ba naging ganito ako. Hindi ko alam na may gusto na pala sakin si James. Nalaman ko lang nung nag outing kaming magkakaibigan. Naglaro kasi kami ng truth or dare.

//Flashback//
"Guys! Truth or Dare tayo!" aya ni Elaine kaya pumayag kaming lahat.

Pagkaikot nung bottle.. tumama kay Elaine.

"Truth or Dare?" tanong naming lahat.

"Truth." lakas loob niyang sinabi. Isa isa namin siyang tinanong at ung tanong na may matagal niyang sagot ay sa tanong ni Luis.

"Sino ba yung taong mahal mo?" halata sa mukha ni Elaine na nagulat siya sa tanong skanya ni Luis. 2 minuto din bago niya sinagot yun.

"Ikaw." biglang naging tahimik ang paligid. Pati ako nagulat eh.

"So.. ano pa bang hihintayin ko?" blangkong mukha na sabi ni Luis na nakakapagtaka. Anu meaning nun?

"Ibig kong sabihin.. Elaine, will you be my girlfriend?" nakangiting tanong ni Luis kay Elaine at si Elaine? ayun umiiyak na nakangiti. Tears of joy kung tawagin.

"Oo naman. Aarte pa ba ako?" tumayo silang dalawa at naghug. At sila? Nagsisitilian at hiyawan. Ang sarap pala sa pakiramdam na makitang masaya bestfriend mo. Napangiti ako dun. Diko alam bat hanggang ngayon kasi lutang pa din ako..

Nagspin na ulit ung bottle. Tumuro naman kay James. Kaya napangisi kaming lahat.

Di pa namin siya tinatanong nagsabi na kaagad siya ng 'Truth.' Isa isa namin siyang tinanong. At ang lalaking laging pahirap ng tanong, tinanong ni Luis si James.

"Pare, sino na ba yung mahal mo ngayon?" tanong ni Luis. Lahat kami nagaabang ng sagot niya. Nagbuntong hininga siya bago sumagot.

"Yung babaeng hanggang ngayon hindi pa rin nakakamove on sa taong mahal niya." lahat kami nagtataka sa sinagot ni James.

Natapos ang truth or dare dun kasi biglang umulan. Habang pabalik na kami dun sa lugar na masisilungan, bigla akong natapilok. Agad naman akong tinulungan ni James.

"Okay ka lang?" tanong niya sakin.

"Oo. Sanay naman ako." sagot ko at hindi pa ako nakakalahati sa lalakaran ko natapilok nanaman ako. Kaya sa sakit ng tapilok ko at naghahalong emosyon ko naiyak ako. Umiiyak ako habang hinahampas ung mga buhangin.

"Nakakainis! Tanga tanga ko! Bobo! Bakit hanggang ngayon umaasa padin ako sa pagbabalik niya!? Wala naman syang paki sakin eh!" umiiyak kong sabi at nilapitan ako ni James.

"Atasha tama na! Dahil sakanya nagiging manhid ka! Dahil sakanya nararamdaman ng iba di mo na dama! Dika na niya mahal! Wala syang pake sayo kaya tama na!" nagulat naman ako sa sinabi sakin ni James.

"Teka nga! Ano bang pake mo ha!? Bakit alam mo ba nararamdaman ko!?" sigaw kong sagot habang umiiyak.

"Oo alam ko at sa pagkakaalam ko mas masakit pa nararamdaman ko! Alam mo kung bakit? Kasi mahal na kita Atasha! Mahal kita at hindi mo dama kasi nagpapakatanga ka padin sakanya! Ikaw yung tinutukoy ko kanina! Hindi mo alam? Ang manhid mo nga naman diba!? Hahaha!" napatahimik naman ako sa sinabi ni James. Napansin kong tumulo narin luha niya. Hindi ko alam gagawin ko.

Tuluyan na umalis si James at naiwan ako dun. Hindi ako makatayo kasi sobrang pagod na ako. Buong katawan at pagkatao ko.

//End Of Flashback//

"james?" habang naglalakad kami.. kakausapin ko na siya ng seryoso.

"bakit?" tanong nya habang patuloy kami sa paglakad.

"naka move on kana ba sakin?" napansin ko namang nailang siya sa tanong ko kaya di niya ako sinagot.

"alam mo kailangan mo na mag move on sakin." dagdag ko pa.

"Crush ka ng kaibigan ko james. Siguro siya nalang ung mahalin mo. Kasi diba ikaw na nga mismo nagsabi sakin na nagiging manhid ako dahil sa isang tao? Sana iapply mo rin sa sarili mo yun." pagpapatuloy ko.

"Sana matuto mong mahalin siya. Ipakikilala ko siya sayo mamaya." sabi ko at nagpatuloy na papuntang school.

Nung vacant namin, saktong walang teacher sila James kaya naman eto na ung pagkakataon ko para maging masaya ung dalawa kong kaibigan.

"James! Halika." tawag ko kay James na agad namang pumunta.

"Eto nga pala si Alex, Alexandra. Yung bestfriend ko." diniinan ko pa ung pagkasabi ko nung word na bestfriend.

"Hello." tapos nagshake hands silang dalawa.

maya maya nagusap na ung dalawa, nagtatawanan at sa tingin ko magkakabutihan na sila.

Nung gabi na, nagonline muna ako bago matulog. At chinat naman ako ni James.

James: Atasha?

Me: Oh?

James: Close na kami.

Me: Talaga? Ang sarap naman marinig niyan. Ligawan mo na. Hindi naman pabebe yan eh. :)

James: Pero hindi ko naman siya talagang gusto.

Me: James, matututunan mo rin siyang mahalin. Trust me. :)

James: Hays. Sana nga. Liligawan ko na to ah.

Me: Sige go ahead. :) Goodluck! Promise, sasaya ka. At kapag kayo na, napasaya niyo akong dalawa kasi masaya na kayo. :)
seen 9:47 pm.

10:31 pm.
James: Atasha kami na! :D

Me: oh? Nice. Stay strong ha. <3

James: Thank you! :)
seen 10:40 pm.

Ang saya lang malaman na sasaya na ung dalawa kong bestfriend. Lalo na yan si Alex? for sure bukas blooming yan at chichika niya samin yan. Pero sorry siya, ako unang naka alam. Bwahaha!

SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon