S#9

31 1 0
                                    

Buti nalang at Saturday ngayon. Makakarelax ako. Makapag open nga ng fb. Namiss ko eh.

Ang dami kong message. Maya maya chinat ako ni Nathan.

Nathan: lodi (y)

Me: Hahaha. Wag ako Nathan.

Nathan: Anu na kasi? Sagutin mo nako.

Me: Hays. Ilang beses ka bang pinanganak ng mama mo at ang kulit mo?

Nathan: isang beses lang. ^_^

Me: yun naman pala eh.

Nathan: bakit ba ayaw mo akong sagutin?

Me: bakit ba ayaw mkong tigilan?

Nathan: eh kasi mahal kita. <3

Me: mas mahal yung bigas. Aral muna bago landi. :)

Nathan: grabe ha. Suplada mo talaga. Dali na!

Me: bigyan mo muna ako ng valid reason kung bakit kailangan kitang sagutin.

Nathan: kasi pinagtagpo tayo ng tadhana.

Me: correction: pinagtagpo pero hindi itinadhana. *

Nathan: oo na sige talo nako! Bigyan mo nalang ako ng maliligawan.

Me: see? okay. Yung kaibigan ko, si Athena. Tulungan mo siyang maka move on sa ex niya.

Nathan: anu gagawin mo sakin panakip butas niya?

Me: pwede narin pero hindi ganun.

Nathan: labo mo. Anu ba talaga?

Me: akong bahala. Basta trust me.
seen 8:36 am.

Maliligo na ako kasi mamayang 10 am magkikita kami nila Charles. Si Charles ay bestfriend nila James at Luis since elem. Uunahan ko kayo, medyo one of the boys ako pero minsan lang. Matagal na kasi kaming hindi nagkikita kita.

Habang naliligo ako, biglang nag ring phone ko. Dinedma ko nalang muna. Pagkatapos kong maligo tinatawagan nako nila Luis. Kaya sinagot ko.

"oh? malapit nako matapos. Antay lang pre. Wag atat, alam kong miss nyo nako." sabi ko sa kabilang linya.

"Teka. Hindi ako si Luis. si Kevin toh." napatigil ako sa pagsuklay ko ng buhok at natahimik. Biglang bumilis tibok ng puso ko, diko alam sasabihin ko. Pagkatapos ng isang taon, narinig ko ulit boses niya.. ang boses na minsan kong namiss..

"Hello? Atasha?" sa hindi inaasahang pangyayari, nababa ko ung phone sa kaba.

Tutuloy pa ba ako?

SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon