S#10

33 1 0
                                    

11 na. 10 yung usapan namin pero isang oras nakong paikot ikot dito sa kwarto ko. Tutuloy ba ako? May nagtulak sakin para tumuloy. Nagsabing hinihintay nila ako kahit wala akong kasiguraduhan. Hindi kasi sila ung tipo ng kaibigan na aalis malate ka lang, hihintayin lang nila ung text mo na dika na talaga matutuloy bago sila tuluyang aalis. Kasi hihintayin ka nila gano man katagal yang pagkalate mo. Nice diba?

Kaya pumunta na ako sa pagkikitaan namin. Nung una nagdadalawang isip ako, pero nakita ako ni Luis kaya naman hinatak na niya ako papasok. Pagkapasok ko, isang tao agad ang hinanap ko.

"Wala na siya." sabi ni Luis.

Hindi ko alam kung giginhawaan ba ako sa narinig ko kasi hindi nako maiilang or malulungkot kasi ganun nga ang nangyare.

Habang naguusap kami, nakalimutan ko na ung nangyare kanina lang. Kaya naman biglang nagsalita si Charles.

"Ano par balita ko kayo na ni Misty ha?" sabi niya kay Luis.

"Oo par. Eh ikaw ba? Sino ba ngayon?" tanong ni Luis kay Charles.

"Wala nga eh. Atasha, bigyan mo nga ako. Ang dami mong kilalang chix eh." pangaasar sakin ni loko. Hindi naman playboy si Charles, loko loko lang pero kapag nagmahal. Aba seryoso ang koya mo!

"Hahaha loko ka talaga." sagot ko. Maya maya nilabas niya phone niya.

"Bigyan moko ng name. Sesearch ko." sabi ng loko. Aba aba.

Kung anu anong pangalan binigay ko sakanya. At alam niyo kung kanina siya magstuck? kay Mau.

"Kung eto liligawan mo, seryosohin mo. Bestfriend ko yan. sasapakin kita at kalimutan mo ring magkaibigan tayo kapag niloko mo yan." sabi ko.

"Eto naman, banta agad binigay sakin." natawa naman ako.

"Para lang alam mo." sabi ko.

"Baka nga ako pa lokohin eh, ako kasi tong laging niloloko." pagdadrama niya. AbaMatinde

"Hindi noh." sagot ko.

Maya maya mga 6:30 pm, umuwi narin kami. Ang tagal namin noh? Sympre nasa SM kami tapos nag MOA tapos nag LCT tapos nag Luneta tapos nag tutuban. Okay kami na gala, sabi ko nga.

Sa dinami ng pupuntahan namin, sympre pagod ako. Kaya nagonline lang ako nubg tinadtad ako ni Mau sa chat.

Maurine: Atasha! Besttyyyyyy!

Me: Anu ba? Di ka happy nya? Natadtad po ako teh.

Maurine: Eh kasi naman inadd ako nung crush ko. Yung sinabi ko sainyong diko kilala sa pangalan pero sa mukha, oo!

Me: oh? Anung name? congrats ha.XD

Murine: Charles Tan! <3 <3 <3

Me: weh? Eh bestfriend ko yan eh! Tukmol ka di mo sinasabe agad saken! Kasama ko yan kanina.

Maurine: amp. Malay ko, ngayon ko lang nalaman name niya eh. Seryoso!? Help me naman!!! Haha!

Me: no need. Kasi ako na nga mismo, kasi kanina topic ka namin.

Maurine: seriously?! Anong pinaguusapan niyo?!

Me: hinayhinay lang teh ha. Kwento ko nalang sayo bukas.

Maurine: Anu bayan, ngayon na!

Me: PAGOD PO AKO. BYE. SEEYAH.

Maurine: Wag ka namang ganyan Atasha!! Huhuhu!!
seen 8:45 pm.

Buti nga. Bwhahaha! Masydo silang happy, pagod ako. Bukas na!

Maya maya chinat ako ni Charles naman. Hays, kung hindi lang talaga ko mabait na kaibigan diko rereplyan tong mga toh eh.

Charles: Par!

Me: wut?

Charles: kachat ko siya :D

Me: sino?

Charles: mau <3

Me: ano? paparty naba ako?

Charles: hndi! suplada mo naman!

Me: joke lang. Maganda yan, pasayahin mo yan loko. Wag mong lolokohin. Alam mo na ung sinabi ko sayo. Ingatan mo yan, sge na antok nako eh. Zzz

Charles: opo master! Sge iingatan ko to <3 sige na.
seen 8:59 pm.

For sure, papa party din toh si Mau bukas. Hays, antok nako. Goodnight.

SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon