Chapter 1

1.5K 34 1
                                    

Keina

"Hoy babae! Saan ka ba pupunta at nagmamadali ka?" Sabi sa akin ng kaibigan kong si Jaja kaya napalingon yung mga tropa kong takas sa mental.

"Malamang pupunta dun sa childhood sweetheart niya." Sabi naman ni Bebang habang nagpapaypay. Juice ko! Hulas na yung make-up niya. Parang timang naman kasi nagmake-up pa eh alam naman niyang oven toaster yung eskwelahan namin.

"Ay nandito na ba sila?! Hala! Kaya pala nagkakagulo kanina ang mga tao sa lugar namin."
Nanglalaking mata na sabi ni Shai.

Kasi naman dadating na yung mga Montero. Sila lang naman kasi ang pinakaginagalang na pamilya dito sa lugar namin. Balita ko nga na pati sa ibang bansa eh kilalang kilala na sila.

"Pwede ba ang echosera niyo. Nagmamadali ako kasi nagtext si Nanay na kunin ko daw yung mga gamit niya sa bahay dahil nakalimutan niya. Ihahatid ko lang yon sa kanya."

Para kasing si Nanay na yung punong tagapangalaga dun sa bahay ng mga Montero mula ng umalis yung pamilya na yon dito sa lugar namin.

Dalawa na lang kami ni Nanay dahil ang Tatay ko ay namatay na dahil sa sakit sa atay bukod sa sobrang adik niya na sa alak ay adik din ito sa sugal kaya naman nagkabaon baon na kami sa utang at sa mga Montero kami may pinakamalaking utang kung bakit? Dahil sila lang naman ang nagbayad ng lahat ng utang na iniwan samin ni Tatay. Kaya naman si Nanay ko ay nanilbihan na lang sa kanila makabayad lang.

Actually hindi naman na kailangan ni Nanay na magbayad dahil si Mrs. Montero ay kababata at matalik na kaibigan ni Nanay. Ayaw na niya sana na bayaran siya ni Nanay dahil ayon sa kanya barya lang naman daw ang five hundred thousand pesos pfft! Mayayaman nga naman talaga. At sabi niya rin sa aking Nanay na paraan niya na rin daw yun para makabawi sa mga panahong wala siya sa tabi ni Nanay. Mula kasi ng lumago ang ang business nila ay naging busy na ito. Pero alam kong nagkakausap pa rin sila ni Nanay hanggang ngayon.

Nasabi ko bang naging bestfriend ko rin ang anak nila? Pero bigla na lang kami nawalan ng komunikasyon dahil nangibang bansa sila at dun na siya nagaral.

Nabalitaan ko na lang na nakauwi na ito sa Pilipinas para dito na lang ipagpatuloy yung pagaaral niya. At ang siraulo hindi man lang ako nagawang kamustahin o tawagan man lang?

Pero di ko pa rin maiwasan na hindi siya mamiss paano ba naman simula baby pa lang, kami na magkasama at nung nagthirteen ako dun na kami nagkahiwalay at yun na rin ang huling pagkikita namin.

" George totoo bang aalis ka na? Iiwan mo na ko?" Mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya. Narinig ko kasi silang naguusap ng mommy niya.

" Ah oo Kei aalis na ko." malungkot na sabi nito.

"Pero sabi mo hindi mo ko iiwan? Galit ka pa rin ba sakin dahil sa sinabi ko?" umiiyak na tanong ko.

" Stop crying, alam mo namang ayaw kong nakikita kang ganyan diba? And about sa sinabi mo hindi ako galit okay? Wag ka magalala lagi naman kitang tatawagan eh."

"Pero kasi George ayokong umalis ka baka pagdating mo dun makalimutan mo na ko. Mamimiss kita ng sobra." patuloy ko pa ring iyak.

"Tama na, I promise hindi kita kakalimutan." at saka niya ko kiniss sa cheeks.

Dun ko din napatunayan na ang pangako ay napapako pala talaga. Bwisit siya.

Huwag na nga nating pagusapan yan dahil kumukulo lang ang dugo ko sa kanya dahil galit ako sa kanya. Kalimutan ba naman ako? The hell I care eh di magkalimutan kami hmmp!

"Sige na alis na ko." Paalam ko sa kanila saka ko kinuha yung bike ko para umuwi na at kunin yung gamit ni Nanay.

Nang makuha ko na ang mga ito ay agad na akong tumungo dun sa bahay ng mga Montero. Di ko rin talaga maiwasan na isipin kung ano na kayang nangyari sa kanya?

Enemies or Lovers? (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon