Kabanata 1

993 50 17
                                    


GULF'S POV

MULA SA mataas na pader, nasa harapan ko ang gate habang kumikinang ang pangalan ng iskul na nakaukit do'n. Bitbit ang kakaibang kaba sa aking dibdib ay nagsimula na akong tahakin ang daanan papasok. Hinarang ako nung security guard.

"Hindi kami hiring ngayon, Sir." aniya. "Sa ibang pagkakataon nalang kayo bumalik." Malinaw naman ang paliwanag niya ngunit hindi ko iyon naintindihan.

"Po?" Kunot noong tanong ko.

"Mag-aapply kang janitor, diba? Hindi kami hiring ngayon. Pasens'ya na." Dagdag niya, isinenyas pa ang labasan ng gate.

Nalaglag ang panga ko. Ilang segundo bago ko nakumpirma kung anong ibig ipaka-hulugan nung guard sa akin.

Tinignan ko ang sarili ko. Kaya pala gano'n nalang ang tingin niya sa akin. Naka-civillian ako. Loose pants at loose polo shirt. May eyeglass din ako sa mata na lalong nagpa-pangit sa hitsura ko. Bagsak ang buhok na tipong tatama na sa mata ko ang hibla ng bangs ko. Kung titignan mo talaga ako ay malayong gano'n din ang iisipin mo sa'kin.

"New student po ako, Sir," pagklaklaro ko.

Siya naman ang nalaglag ang panga. Tinignan pa ako mula ulo hanggang paa animong hindi makapaniwala.

Buwisit! Judg'mental ang hukbulang matanda na ito!

"Sigurado kaba? Hindi kaba nagpa-prank?" Nagpa-prank? Lumigid ligid ang tingin niya sa paligid bago ako muling tinignan.

"Mukha ba akong nagpa-prank, Sir?" umiinit ang ulong paliwanag ko. "New student po ako. Kung hindi po kayo naniniwala sa'kin, tanungin niyo po ang registrar?"

"Ano bang pangalan mo?"

Aba, nag-interview pa! "I'm Xanty Mondragon."

Nanlaki naman ang mata niya. Ano na naman? Hindi na naman ba siya maniniwala? Nakaka-buwisit na!

"Sigurado ka?" Naninigurong aniya.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Pasimple akong umangil, pinipigilang mag-huramentado. Kahit papaano ay may katagang respeto pa akong tinatago.

Kinuha ko ang ID sa huling iskul na pinasukan ko at ipinakita iyon sa kaniya. Tumigil kasi ako ng isang taon.

Nakaka-buwisit lang dahil consistent ang panlalaki ng mata nung security guard. Halatang hindi naniwala.

Huminga ako ng malalim. Wala akong choice kundi tanggalin ang sunglass ko at ayusing mabuti ang hitsura ko katulad nung ID na pinakita ko. Guwapo pa kasi ako nung panahong 'yan. Sadyang taghirap lang ngayon kaya sumabay sa agos ang hitsura ko.

"Ayan, ayos naba?" Pasimpleng tumango naman ang matanda. "Dala korin ang mga credentials ko, baka gusto niyo pang makita?" Hindi kona napigilan ang sariling magsungit.

Umiling naman siya, "Hindi na. Puwede ka nang pumasok."

"Salamat po sa magandang pag-welcome sa'kin," ani ko sa tinig na pinipigilang maging sarkastiko.

Kung may lists lang ako ng most unforgettable moment, ito ang isa sa mga isusulat ko. The best.

"You're welcome," tugon nung guard sa akin.

Buwisit! Sarap ihampas sa kaniya 'yong hawak niyang batuta! Kapatid ata ni Pennywise 'yon sa sobrang puti ng mukha. Maitim naman 'yong leeg. Psh!

When Mister Maangas Meets The Beking Palaban | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon