Kabanata 4

429 42 5
                                    

Maangas Vs Palaban

GULF'S POV

NAPUNO NANG hiyawan at impitan sa loob. Nakakabingi at nakakairita ang boses nila. Patunay na ayoko talaga sa maiingay. Kung hindi lang ako baguhan dito ay kanina pa ako tumayo at sinigawan silang manahimik. Hindi ba nila alam na may mga taong katulad ko na nagnanais ng tahimik na kapaligiran.

Napailing ako. Pilit dine-deadma ang pangyayari. Mabilis kong inubos ang pagkain ko. Hinuli ko ang pizza. Aabante na sana akong isubo ito nang may sinuman ang kumalampag sa mesang gamit ko. Nabigla ako sa malakas niyang pagkalampag. Tuloy ay naiwan sa ere ang pagkain ko saka ako nagtaas ng tingin. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang mukha niya.

"We meet again, nerdy boy." Maangas niyang sambit.

Siya na naman? 'Yong mukhang Kurimaw na nakabanggaan ko sa corridor. Oo nga pala, sa iisang iskul lang pala kami nag-aaral. Malamang magkikita talaga kami. PSH!

Hindi ko siya pinansin. Mukha pa naman siyang kulang sa pansin. Sinimulan kong kagatin 'yong pizza. Natigil lang ako ng bumulong 'yong isang kasama niya sa kaniya. Mukhang pamilyar ang hitsura niya. Kumunot ang noo ko ng mapagtantong isa siya sa nanloko sa akin kanina.

Ngumingisi siya habang bumubulong. Naririnig kopa ang hagikhikan niya matapos niyang masabi ang gusto niya.

Ngumisi naman ang nasa harapan ko. Pakiramdam ko may kinalaman iyon sa panlolokong nagawa nila sa akin kaninang umaga.

Mga peste! May araw din kayo sa'kin!

Nanginginig ang kamay ko sa sobrang inis. Talaga bang may balak pa silang ipangalandakan ang ginawa nilang pangga-gago.

"Anong ginagawa mo rito, nerdy boy?" Diretsahang tanong ni Kurimaw sa akin. Nakakatakot ang boses niya dahil sa angas na dating niya. Para bang isang pagkakamaling sagot ay malilintikan ka.

"Kumakain," bored kong sagot.

Napamaang naman siya. Mababakas sa mukha ang pagkagulat. Ngunit mabilis na nawala iyon at napalitan ng pangliliit na tingin. Mukhang na-beastmode ko ang dragon.

Muli niyang kinalampag ng malakas ang mesa, halatang nagpipigil sa namumuong galit niya. "Nagtatanong ako ng maayos!" Pagdidiin niya.

"Maayos naman akong sumagot," bored kopa ring sagot.

Hindi sa nang-aasar ako. Kanina pa ako nag-aasam magsolo nang walang sinuman ang kumakausap sakin. Ngayon, kung naasar man siya sa pakitungo ko ay wala na akong pakealam. Siya ang kumausap kaya siya rin dapat ang mag-adjust.

Pero mukhang na-beastmode konga siya. Mabilis niya akong nahawakan sa kuwelyo kahit may namagitang mesa sa harapan naming dalawa. Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang nag-aapoy niyang mata. Sobrang lapit ng kaniyang mukha sakin kung kaya't dama ko maging ang paghinga niya.

"Ikaw! Kinakausap kita ng maayos, sumagot ka ng maayos!" Galit niyang ani habang lalong humihigpit ang hawak niya sakin at lalong inilalapit ang mukha niya sa akin. "Mukhang hindi mopa ako nakikilala!" Ngumisi siya at padarag niya akong binitawan, "Ako lang naman ang pinaka-siga rito! Pinaka-maangas! At isang pagkakamali na binangga mo ako!"

Ewan ko pero hindi ako nakadama ng takot sa pagbabanta niya. Sanay na sanay na akong pinagbabantaan noon, kaya marahil ay ganito ako ngayon, wala nang epekto sakin. Hindi ko mabago ang nararamdaman ko. Hindi ko kontrolado.

Huminga ako ng malalim. Total ay tapos na akong kumain, iniligpit ko ang pinagkainan ko saka ako tumayo. Hindi maganda ang mood ko rito. Maraming asungot. Idagdag mona 'tong nasa harapan ko na akala mo kung sinong maangas.

Kapag siguro sinipa ko ang balls nito ay mawawala ang angas nito? PSH!

Nagsimula akong maglakad. Sa dalawang hakbang ko ay namalayan kong nadapa na pala ako. May pumatid lang naman sakin. At nasisiguro kong kasamahan ni Kurimaw iyon.

When Mister Maangas Meets The Beking Palaban | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon