GULF'S POVSA PAGLABAS namin doon kolang napansin na marami palang naka-aligid na estudyante. May mga ilan na nasa gawing gilid ng caferteria na halatang nanonood kanina sa mga nagaganap sa loob. Dahil purong salamin ang pader ng cafeteria.
Napapailing ako ng mapagmasdan ang mapanghusga nilang tingin. Para bang naging kasalanan kopa ang ipagtanggol ang sarili ko laban sa Kurimaw na iyon.
Habang naglalakad kami ang siya namang pagdating ng isang security guard. Marahil ay may nagsumbong. Nakakainis lang dahil unang araw kopa lang dito ay napapasubok na ang pasensya ko.
"Huli kana sa eksena, Kuya. Puwede ka ng bumalik sa pinanggalingan mo. Hehe," sabi ni July sa security, nakasunod siya sa amin habang nasa tabi ko naman si Cris.
"Kuya, sa susunod, aagahan mo, huh? Wala kang pinagbago sa mga teleseryeng laging nahuhuli ang mga pulis kapag may aberya." Dagdag naman ni Art sa kalakasang boses. Tumawa naman ang nakarinig.
Napailing ang security, "Ijo, hindi naman ako pulis. Security ako." Pagtanggol nito sa sarili.
"Mali po kayo. Ija po ako, hindi ijo." Ang ganting sabi ni Art. Muling natawa ang mga nakarinig.
"Kuya, ayos lang po kami. Puwede napo kayong bumalik," tila naiinip na sa sabi ni Cris.
Tumango ang security, "kapag may aberyang naganap uli ay 'wag mahiyang tawagan akong muli, ha."
"Naku 'wag napo. Masasayang lang ang effort namin, baka ma-late kapa uli kung dumating. Etchos!" Birong ani July.
"July!" Mahimigan ang istrikto sa boses ni Cris. "'Yang bunganga mo!"
"Bakit kasalanan kona naman. Kaya nga etchos kasi joke 'yon. Palibhasa masyado kang seryoso sa buhay kaya mahirap sayo makaintindi ng biro," Ngumungusong sagot ni July. "Tara nanga, Art. Baka masira pa ang beauty ko rito at ma-stress ako."
Nagtawanan ang mga nakarinig. Habang ako nanatiling walang kibo. Iniisip kung ano paba ang kamalasang darating sa akin.
"Luh! Saan tayo pupunta?" Tanong ni Art.
"Sa harapan. Bibingwit tayo ng mga freshmen student. Maraming kyut na bagets doon. Bet mo?"
"Oo naman. I love children." Natatawang ani Art.
Naiwan kaming dalawa ni Cris. Nagpaalam naman sa amin ang security. Nakayuko lang ako at saka lang nag-angat ng ulo ng magsalita si Cris.
"Halika, kailangan mong magpalit ng damit. Napakarumi na ng damit mo."
Sa sinabi niya ay hindi na ako tumanggi. Lalong narumihan ang damit ko dahil sa pagka-bagsak ko kanina sa sahig. Nagkanda-kusot narin dahil sa ginawa sa akin ni Marcus.
Tunay nga siyang maangas. Nakakatakot kapag sukdulan ang galit niya. Hindi ko lubos naisip na totohanin niya 'yong sinabi niya sakin nung nagkabangga kaming dalawa. Sanay na kasi ako sa mga salitang walang katuturan.
Pero iba si Marcus. Iba siya magalit. Kakaiba ang angas niya. Ang tindig niya ay tipong siga sa kalye. Hindi ko maitatanggi sa sarili na natakot ako sa kaniya kanina. Kinapos ako ng hininga sa ginawa niya.
"Ayos kalang ba? Wala bang masakit sayo? May infirmary naman dito." Tanong ni Cris habang binabagtas namin ang hallway. Napansin siguro nito na ang pananahimik ko.
Umiling ako, "Hindi na kailangan. Wala namang masakit sakin."
"Okay," ngiting aniya. "'Yong nakaaway mo, that is Marcus. Siya ang pinaka-maangas na estudyante rito sa campus."
"E, 'yong dalawa?"
"Their name is Jacob and Nathan."
Napatango tango ako. Katulad din pala sila ng Marcus na 'yon. Maganda ang pangalan pero hindi ang pagkatao.
BINABASA MO ANG
When Mister Maangas Meets The Beking Palaban | MEWGULF
Teen FictionWhat will happen when Mister Maangas MARCUS AVERIA meets the Beking Palaban XANTY MONDRAGON? Simula naba ng World War lll o may mabubuong love story? - Xanty, isang transfer student, a nerd and introvert, not a shy-type person but a quite one. Mahil...