Prologue

2.1K 62 4
                                    

MOON ACADEMY.

Base sa aking nalalaman, ang MA ay isa itong pribado at internasiyunal na eskuwelahan. Prestihiyoso at kinikilala. Mahirap ang mag-enroll dito kung hindi ka mayaman. Iba-ibang lahi ang mga estudyante rito.

Paano ngaba ako nakapag-aral dito? Simple lang naman. Walang kahirap-hirap. Gamit ang katalinuhan, nakapasa ako isa sa mga scholarship nang iskul. Libre ang lahat ng mga babayarin ko, allowance nalang ang problema ko.

Masyadong kagulat-gulat ang nangyari. Hindi ko inaasahan na makakapasa ako sa kabila ng isang taong pagtigil kong mag-aral. Kung tutuusin ay mas maraming deserving sa akin. Marami ang nangangarap pumasa. Sadyang pinalad na ako 'yong napili. Mabuti nalang tanda kopa 'yong mga aralin na itinuro sa akin noon. Nakakatulong din sa akin ang mga librong madalas ay kasalamuha ko.

Masaya akong nakapag-aral dito. Bukod kasi sa allowance nalang ang problema ko ay malapit pa ito sa tinitirhan ko. Hindi naman problema sa akin kung akademiko ang basehan sa iskolar ko. Kayang kaya kong kumuha ng mataas na grado.

Sapat narin ang ipon ko dahil nag-trabaho ako. Ipinangako ko sa sarili kong mag-aaral akong mabuti. Gagawin ko ang lahat para makaahon sa hirap. Papatunayan kong kaya ko kahit mag-isa kong itinataguyod ang sarili ko.

I've been fighting the toughest battle of my life. Wala na sa bokabularyo ko ang sumuko. Tatag at tiyaga ay talagang makakapagtapos ako.

Ngunit sa hindi ko inaasahan ay masusubok pala ang pansesya ko. Masasabak ako sa giyera na hindi ko lubos maisip na darating muli sa buhay ko.

Gusto kolang namang malagay sa tahimik pero bakit gulo ang siyang kusang lumalapit?

It's just because I met him, Marcus Averia. The trouble-maker who rules the campus.

Siya lang naman DAW ang kinikilalang lider nang MAAANGAS sa iskul na pinasukan ko.

Pwe!

Aminado naman akong totoo. Dahil madalas, araw-araw ay nagugulo ang buhay ko dahil sa katarantaduhang ginawa niya. Para lang naman akong nerd na pinagdiskitahan ng isang badboy na tulad niya.

We have met in a stupidest way. I accidentally dumped into him. Nabangga kolang siya pero para sa kaniya ay tila ba kamalian na mabangga ko siya.

Walang araw na hindi ko siya nakikita. Walang araw na hindi rin nalalagay sa tahimik ang buhay ko. Naging instant sikat ako pero hindi ako natuwa.

Sinong matutuwa sa pagiging instant sikat mo kung ang dahilan nun ay kinamumuhian ka ng mga tao? Lalo na ang mga babaeng nagkakandarapa sa dakilang Kurimaw na iyon.

My school days were full of messed. The reason behind that mess was Marcus. Kung puwede kolang hilingin sa oras 'yong panahong nagka-banggaan kaming dalawa ay gagawin ko at ibabalik ko, 'wag kolang siyang makilala.

Dahil habang nakikilala ko siya ng matagal, nakikita ko ang tunay na pagkatao niya.

That not all badboys are badboys.

When Mister Maangas Meets The Beking Palaban | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon