BRIGHTEST MOONS
Matapos ang delubyong nangyari kanina, sa wakas ay nahanap ko ang seksiyon ko. Hindi naman ako nahirapan. Kundi sobrang nahirapan. Nagkanduli-duling pa ang mata ko sa pagsuri sa mga rooms na nadaraanan ko.
Heto ako, nakatayo sa labas habang nakatingin sa pinto. Amoy kape ang damit. Hawak ang gutay gutay na libro. Magulo ang buhok. Huminga muna ako ng malalim.
Pagpasok ko sa room, tila nagmistulang bahay at parlorista ang loob. Palibhasa unang klase ay makikita mong kasaluluyang nagre-retouch ang mga babae. Ang mga boys naman ay ginawang bahay ang loob, makaupo na akala mo ay mga hari habang abala sa pagpindot sa kanilang mga cellphones, na halatang naglalaro ng online games. Hindi rin nagpapatinag ang mga kabilang sa tatlong henerasyon na kasalukuyan ding naglalagay ng kung anong kulorete sa mukha. Para silang grupo na may kaniya kaniyang mundo.
Tumigil ang ilan ng makita ako. Pagkatapos ay kaniya kaniya silang bulungan at tawanan. Malamang ay dahil iyon sa hitsura ko. Hindi na kasi ako nakapagpalit ng damit. Sayang din naman ang oras at pera ko 'pag umuwi pa ako. Wala akong dalang damit dahil hindi ko naman inaasahan na mangyayari sa'kin 'to. Isa pa, hindi kopa nakukuha 'yong uniforms ko dahil aabot sa isang linggo bago mo makuha 'yon.
"And who the hell are you?" anang babae na tumigil sa paglalagay ng lipstick, may kaartehan ang boses. Nakaangat sa ere ang isang kamay na hawak ang lipstick habang ang kabila naman ay may hawak na salamin. Mababakas sa hitsura neto ang pagkadiri sa hitsura't pananamit ko.
"Student," sagot ko, pinipigilan ang sariling maging pilosopo.
Maarte siyang suminghal, "Really? I can't believe it! Paano ka naging student dito? You seems like a janitor."
Umugong ang tawanan at bulungan. Here we go, again.
Huminga ako ng malalim saka umiling. Hindi kona siya pinatulan, masyadong makitid ang utak niya para patulan ang isang katulad niya. Estudyante ako. Alin doon ang hindi niya maintindihan?
"Is he really a student here?"
"Paano nakapasok ang isang katulad niya sa iskul natin?"
"Himalang nakapasok 'yan dito."
"Ang panget ng hitsura niya. Nerd na nerd."
"Bakit ganiyan ang damit niya? Para siyang naligo sa kape. Ang basurang tignan."
Hindi kona inabala pa ang sarili para harapin pa ang sinumang nag-uusisera sa akin. Wala naman akong pake sa kung anong sasabihin nila. Gusto ko nang makaupo at mapag-isa.
Inilibot ko ang paningin ko. Nang mapansin ko ang bakanteng upuan sa likuran ay agad akong naglakad papunta ro'n. Mismong sa likuran ng babaeng nag-iinarte.
"Hey, why did you sit on that chair? Reserve 'yan para sa Labidads ko. Lumayas kanga r'yan, baka mahawaan pa'yan ng germs," tinig nung babaeng nag-iinarte.
Muling umugong ang tawanan. Nakakairita sa balat ang pagiging bully nila. Masyado na'tong tipikal para sa isang katulad nila. Napaka-immature kung isipin.
Hindi kona siya pinansin. Wala namang nakalagay na reservation kaya ba't ako magpapaniwala sa kaniya, hamak na katulad kong estudyante lamang. Buti pa kung Lecturer ang nagsabi. Handa akong sumunod.

BINABASA MO ANG
When Mister Maangas Meets The Beking Palaban | MEWGULF
ספרות נוערWhat will happen when Mister Maangas MARCUS AVERIA meets the Beking Palaban XANTY MONDRAGON? Simula naba ng World War lll o may mabubuong love story? - Xanty, isang transfer student, a nerd and introvert, not a shy-type person but a quite one. Mahil...