Chapter 4: Date

7 1 0
                                    

Vincent Roi Del Rosario
Vincent: Bro, whats your plan for today? 'Di ba wala kang pasok today?
Me: Wala bro. Bakit?
Vincent: Samahan mo naman ako bumili ng libro sa NBS. May pinapabili sa amin yung prof. G?
Me: G. Anong oras ba? Iniisip ko na magdate kami ni Thy eh.
Vincent: Sana all may date. Hahaha. 12 na lang, hanggang 12 klase ko eh.
Me: Sige, sige. Saan tayo magkikita?
Vincent: Kahit diyan na lang sa mall malapit sa bahay niyo. Ano ba oras ng labas ni Thy?
Me: 3 pa ata ng hapon, bro. Libre mo lunch?
Vincent: Sige. McDo na lang tayo baka maubos allowance ko sayo.

"Felix! Bumaba ka na rito!" Si Mom, ang aga aga nagsisisigaw. Anong oras pa lang.

"Opo, pababa na!"

Me: G lang hahaha. Sige na kakain muna ako breakfast, galit na si Mommy.

Bago ako bumaba ay naghilamos na muna ako. "Mom, ang aga mo ngayon ah." Madalas kasi ay bandang alas nuwebe na sya ng umaga umaalis dito sa bahay.

"Oo, may make up gig kasi yung kaibigan ko na inalok sa akin. Malaki laki ang kita kaya kinuha ko na. Alam mo namang pababa na ulit mula sa barko ang Daddy niyo, hinuhulugan pa natin itong bahay. Pareho pa kayong nasa kolehiyo ng kuya mo. Baka kulangin tayo sa budget. Alam mo naman na hindi rin ganoon kalaki ang sahod ko sa pagiging tutor." Sabi niya sa akin habang inaayos ang mga kubyertos sa harapan ko.

"Pwede naman ako mag part time Mom." Sinabi ko sa kaniya.

"Ano naman kukunin mong trabaho? Alam mo naman na engineering ang course mo. Mahirap yan pagsabayin anak." Sabi pa niya sa akin

"Sugar baby, Mom!" Binibiro ko lang siya. Ngunit, agad akong nakatanggap ng malakas na palo mula sa kaniya, bago ko pa mabawi ang sinabi ko. "Mom! Biro lang! Non- showbiz boyfriend lang naman! Hahaha" Nakatanggap ulit ako ng isang malakas na palo.

"Ikaw talaga puro kalokohan nasa isip mo." Inirapan niya ako. "Sige na kumain ka na. Aalis na ako." Matapos noon ay hinalikan niya ako sa pisngi.

Habang kumakain ako ay inaya ko na si Thymine magdate. May allowance pa naman ako mula sa scholarship ko and sa part time ko noong summer.

Thymine Rye Velasco
Me: Bb, lets go on a date?

Habang hindi pa siya sumasagot, ay hinugasan ko na ang plato ko. Baka may klase pa siya kaya hindi pa nakakasagot. Habang naghihintay ay nag-linis muna ko ng bahay at nag-aral.

Thymine Rye Velasco
Thymine: As long as we pay on our meals separately.
Me: What? No. I asked you to go on a date with me, and then, we'll pay separately? That's nonsense. And, Im a man, so I should pay for the meal.

Minsan, mahirap kausap etong si Thymine, sanay kasi siyang laging nag-iingles. Mayaman kasi sila. Minsan nauubos din baon kong english na salita eh.

Thymine Rye Velasco
Thymine: U know I dont care about gender roles. And, I know you'll be using ur savings again. U worked hard for that money. Spend it on ur personal things. U r not my sugar daddy to make u buy me a meal. I promise, Ill let u spoil me, when we both have stable jobs.
Me: Fine. Fine. I dont think you'll ever change your mind.
Thymine: Well, haha. Btw, where and what time should we meet?
Me: Ill be in the mall with Vin at 12. The one near our house. Your classes ends at 3, right?
Thymine: Yeah yeah. Ill just go there. Its just a tricycle away from the university right?
Me: Is it okay for you to ride tricycle? I think your Mom will get mad. Where's Kuya Joma?
Thymine: Its okay, bb. Kuya Joma is in the province. He's visiting his family.
Me: Okay. Ill wait for you later at the mall.
Thymine: Okii.. labyu
Me: labyutu.

Maaga pa bago kami magkita ni Vincent kaya nagbasa muna ako para sa klase namin bukas. Nang makita ko sa relo na 11:05 na, naligo at nagbihis na ako. Dinala ko na lang yung cellphone ko at wallet. Sumakay ako ng jeep kasi malapit lang sa bahay namin yung mall na napagkasunduan namin na puntahan ni Vin.

Vincent Roi Del Rosario
Me: Bro, nandito ako sa may Jollibee.
Vincent: Sige Bro, malapit na rin ako.

Ilang minuto lang, dumating na rin si Vincent. Naghanap muna kami sa NBS ng libro niya. Pagkatapos ay nilibre niya ako ng lunch sa McDo at sinamahan niya akong maghintay kay Thymine sa mall.

Thymine Rye Velasco
Thymine: Bb, Im already here at the entrance. Where r u?
Me: We'll be there.
Thymine: Okii. Im near Jollibee ah.
Me: Oki. Just a minute.
Me: I can see you na.

Nakita ko na siya sa harap ng Jollibee. She's beautiful as ever, wearing just white shirt, denim pants and LV bag.

"Hey, bee!" I said as I approached her.

"Hi!" Ang cute nya talaga kapag nagb-blush. "Hi, Vin!" She said, waving at Vincent. Mabuti naman at kasundo naman niya ang mga kaibigan ko.

"Hi Thy. Looking good ah." Vincent.

"Well, thanks." Nahihiya niyang usal. "Where are you heading at?"

"Since you're here, Ill go to Mom's office now. I just accompanied him." Vincent.

"Uuwi ka na bro?" Tanong ko sa kaniya. "Wala ka na bang bibilhin?"

"Wala na bro. Hinihintay na rin ako ni Mom sa office niya. Btw, enjoy your date." Pagkatapos ay tinapik niya ang balikat ko at nagpaalam na aalis na.

Habang naglalakad kami, "Kumain ka na bb?"

"Yeah, I actually ate banana spring roll at school." Ano daw? Banana spring roll? Ano yon?

"Banana spring roll?"

"Yeah. The banana that is wrapped in lumpia wrapper and then they fry it. Then Add some caramel drizzle on top." Banana spring roll ay turon? Natawa na lang ako sa kaniya. Ang cute niya talaga. "What do you call that nga?"

"Turon, babe" I said, as I slowly reached for her hands.

"Yeah, turon." Sabi niya na mayroon pang konting accent.

Napagdesisyonan naming mag sine at maglaro sa arcade. Bumili din siya ng mga kakailanganin niya sa school. Bago mag alas sais ay hinatid ko na siya sa school kasi doon na lang daw siya susunduin ng Daddy niya.

"Bye, babe. Ingat ka. Love you." I told her and kissed her cheeks.

"Ingat, babe. Love you." Sabi naman niya. Pagkatapos ay sumakay na ako ng jeep para umuwi. Hihintayin ko pa sanang masundo siya ng Daddy niya bago ako umalis pero, pinapapuwi na ako ni Kuya dahil wala pala siyang susi sa bahay at wala pa si Mama.

Habang naka sakay ako sa Jeep, nakita ko siyang nakatingin sa akin, kumakaway at nakangiti.

"My Thymine, Love"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Eyes That Lost Its LifeWhere stories live. Discover now