Winter 3

221 4 2
                                    

"Ma'am Winter, mauna na po kaming umuwi." paalam ni Lesley, isa sa subordinates ko.

Nginitian ko ito, "Sige, Les.. Tatapusin ko lang ito, uuwi na din ako." Tumango ito at kumaway bago sumakay ng elevator pababa.

Napatingin ulit ako sa harap ng monitor pero lumilipad naman ang isipan ko. Sampung buwan na simula nang umalis ako sa isla. Yes, tama kayo. Kailangan ko kasing makalayo kay Ethan. At isang tao lang ang makakatulong sakin kaya wala akong choice at kapalan ang mukha para lapitan siya.

****
Nagising ako ng umagang iyon sa kwarto ko. Ang naalala ko lang ay birthday ni Ethan kagabi.. pati narin pala ako. Mapait na napangiti ako nang maalala ang nangyari.
"Good. You're awake." saka ko lang napansin si Ethan na nakaupo sa single sofa sa gilid ng kama. Mabilis na lumapit ito at dinama ang noo ko. "Mabuti naman at wala ka ng lagnat. Ang ulo mo, masakit pa ba? Gutom ka ba? Anong gusto mong kainin? Teka, nauuhaw ka ba? Tubig, gusto mong uminom ng tubig? Milk? Juice--"
Pinigilan ko ito. "Ethan,.. I am fine." I said and gave him a smile.
He sighed at nagulat ako nang pisilin niya ang kamay ko. He looked worried sick. Mukhang hindi din ito nakatulog ng maayos kagabi. "I was so worried. Akala ko kung ano na naman ang nangyari sa'yo." saad nito sa nag-aalalang boses.
"Ayos na ako ngayon. Wag ka ng mag-alala."
Ngumiti ito. "And I'm glad you are."
Nagulat pa ako nang humiga ito sa kama ko at sabay yakap sakin. "Ethan."
"Ssshh. Inaantok na talaga ako. Baka matumba lang ako kapag pumunta pa ako sa kwarto ko. Patulog muna dito kahit ngayon lang." saad nito ng nakapikit.
"P-Pero.. Baka may pumasok. Bitiwan mo muna ako." at pilit na kumakawala ako dito pero mas lalo lang nitong hinihigpitan ang yakap.
"Hayaan mo muna ako.. For my sanity."
Kahit hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin ay hinayaan ko nalang ito. Ano pa ba ang magagaw ko eh sobrang higpit na ng yakap nito.
Napansin kong naging kalmado na ang paghinga nito. Ibig sabihin ay nakatulog na ito. I stared at his sleeping face. Inayos ko ang ilang buhok na nakatabing sa mukha nito. "Maraming salamat sa kabaitan mo, Ethan. Sana hindi ka magalit sakin sa gagawin ko. Kung magalit ka man.. sana, mapatawad mo ako. I'm sorry." I stared at his lips and slowly leaned forward. I gave him a light kiss. "Mahal kita." mahinang bulong ko.

'

'

'

Iniwan ko si Ethan sa kwarto. Pinalitan ko lang ng unan ang yakap niya para hindi magising. "Yen, si Ma'am Villasco, nakita mo?"
"Ahh, mukhang nasa verandah. Bakit?" takang tanong nito.
"Salamat. May-- Magpapasalamat lang ako. Alam mo na, sa tulong nila."
Napangiti naman ito agad. Nagpaalam na ako at tinungo ang verandah. Nakita ko itong masayang nakikipag-usap kay Stephan at Tracey kasama ang asawa nito.
Agad niya naman akong napansin, "Hija, come, join us." pag-aaya nito
Umiling-iling nalang ako at lumapit dito. "Good morning po, Ma'am, Sir, Stephan, Miss.."
"Siyanga pala, hija. I want you to meet Tracey Altamanar. She's Ethan's childhood friend. Humabol lang siya kagabi sa selebrasyon. Tracey, this is Winter. She's a good friend of my son.. Oo nga pala, hija. I've heard about what happened to you last night. Maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?" nag-aalalang tanong nito.
I gave her a smile. "Maayos na po ako. May naalala lang po ako kagabi.."
"Mabuti naman kung ganon.. Halika, saluhan mo kami."
"Ahh, hindi na po.. Gusto ko lang po sana kayong makausap... ng masinsinan. Kung ayos lang po." pahayag ko.
Mukhang napansin nitong importante ang sasabihin ko kaya tumayo na ito. "Excuse us. Kumain lang kayo. I'll be back shortly. Halika, hija. Doon tayo sa study." iginiya niya ako papasok sa study nila. "Have a seat. Anong gusto mong sabihin sakin?"
Nilalaro ko ang mga daliri ko habang nakayuko. Huminga ako ng malalim bago nag-angat ng tingin. "Kakapalan ko na po ang mukha ko. *sigh!* Gusto ko pa sanang humingi ng tulong sa inyo. Tulungan niyo po akong umalis ng isla."
Mukhang nagulat ito sa sinabi ko kaya hindi nakahuma agad ng sasabihin. "Pe-pero.." Hinawakan nito ang mga palad ko. "Hija, if this is what I've said about last night, please.. Please kalimutan mo na iyon."
Umiling ako. "Wala po itong kinalaman sa sinabi niyo kagabi."
"Pero bakit?"
"Napag-isipan ko po na halos isang taon na ako sa poder ni Ethan pero wala pa rin akong maalala. Sa tingin ko kung nasa bagong environment ako, mas mapapadali ang pagbalik ng alaala ko."
Tila napaisip ito. "Iyan ba talaga ang dahilan? O iniiwasan mo ang anak ko?" Bingo! Napaiwas ako ng tingin sa tanong nito. "Hija, mahal ka ng anak ko. Alam ko iyon. Nakikita ko. Kung paano siya umalis sa party at kung paano siya mag-alala sa'yo."
Gustuhin ko mang paniwalaan ang sinasabi nito, I still have to get my memories back. Wala pa akong kayang ipagmalaki kay Ethan at sa pamilya niya. Kapag dumating na ang panahon na iyon, saka ko hahayaan ang sarili kong mahalin siya. Sabihin niyo ng mapride ako, baka nga totoo. Siguro ganito ang dating Winter. "I'm sorry, Maam. But I will still have to collect my memories."
She looked at me understandingly, "I understand.. But, let me help you. Ako ang bahala kung saan ka magtatrabaho, so you can support yourself. Don't worry, the job you'll have will be fit for you."
I nodded at her, "Thank you po. And I hope we keep this between us."
"Anong idadahilan mo kapag nagtanong na ang anak ko?"
I smiled sadly. "I'll just tell him na kailangan ko ng bagong environment to help myself."
"And my son? He really loves you, hija." pamimilit nito.
"Maraming babaeng hihigit sakin, Maam. Nasa paligid lang sila. He just need to look around." makahulugang pahayag ko.
*****

[Mini Series] Seasons: WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon