Winter 1

278 6 0
                                    

Maingat na tumapak ako sa isang baitang ng hagdan. Nandito ako sa malaking library room na parte ng bahay at naglilinis. Maalikabok kasi sa may itaas at kailangan ko iyong linisin. I heaved a deep sigh and took another step. Ginamit ko ang feather duster para maabot ang dulo. Konti nalang. I said to myself as I reach the end part. Dahan-dahan ko itong inabot at napangiti nalang ako nang maabot ko ito. Great! "Ahhhhhhh!" sigaw ko nang maramdamang gumewang ang inaapakan ko. Oh no! I looked at my hand which is slowly slipping from my grip. Napapikit nalang ako at hinintay ang impact sa pagkakahulog.
"Arghh.."

Agad akong napadilat nang marinig ang umungol. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ethan na nakahiga. "OMG! A-ayos ka lang ba?"

Ngumiti ito. "Y-Yeah.. P-pwedeng tumayo ka muna?"

Saka ko lang narealize na nakadagan pala ako dito. Mabilis na tumayo ako. "I'm sorry. I'm so sorry, Ethan. Hindi ko talaga sinasadya." Inalalayan ko ito na makatayo.
"Ayos lang.. Ayos ka lang ba?" Tanong nito at sinuri ako.

I gave him a smile. "Ayos lang ako. Ikaw nga itong napuruhan eh. Hindi mo na sana kasi ako niligtas." nakayukong saad ko.
"And let you get hurt? Naaah."

Mahigpit na napahawak ako sa tshirt na suot ko. Mali na naman ang nagawa ko. Pumalpak na naman. Sa halos apat na buwan na pananalagi ko sa isla at sa pamamahay nila Ethan dito puro palpak nalang ang nagagawa ko sa mga gawaing bahay. Halos lahat ng bagay ay may maliliit o malalaking kapalpakan akong nagagawa. *sigh!* I guess I'm not really fit for this. "Sorry. Pumalpak na naman ako. He-hehe." hinging paumanhin ko.

Sobrang abala na ang dala ko kina Ethan. Tinutulungan kasi niya akong paunti-unting may maalala. Kaya naman sinubukan namin halos lahat ng bagay. We started doing things na katulad na ginagawa ng karaniwang tao. Sa madaling salita, katulong o kasambahay. Mayaman kasi si Ethan. Ang sabi ng mga kasamahang nakilala at nakaibigan ko dito ay apo daw ito ng isang don at pagmamay-ari nila ang malawak na lupain ng buong isla. Ibig sabihin isa lang ang islang ito sa mga pagmamay-ari ng Villasco.

Sa pamamalagi ko dito sa isla ay wala parin akong naaalala. May nakikita akong mga imahe at pangyayari kaya lang lahat ng ito'y malabo. Naikwento din sa akin ni Ethan kung paano nila ako natagpuan. Ang sabi nito ay sakay daw ang mga ito ng yate nila papunta dito sa isla nang makita nila akong palutang-lutang. Si Manang Addie ang unang nakakita sakin. May malaking sugat din ako sa ulo na maaaring naging dahilan ng pagkawala ng mga alaala ko.
"I think this is enough."

I snapped back to reality when I heard him talk. Worry flashed through my face. "Naiintindihan ko, Ethan. Masyadong malaking abala na ang naibigay ko sa inyo. Di bale, bukas na bukas din aalis na ako ng---"

'

'
"What? Who says you are leaving?"

Gulat na tiningnan ko ito. "Hindi mo ako?--- Akala ko kasi pinapaalis mo na ako."

Umiling-iling ito. "No. Ang ibig kong sabihin, sa tingin ko'y tama na itong pinaggagawa natin." Naguguluhang nakatingin lang ako dito kaya nagpatuloy na ito sa pagsasalita. "Eto ang teorya ni Nana diba? Na ipasubok sa'yo ang mga trabaho, nagbabakasakaling may maalala ka. Teorya niya iyon, hindi akin."

Hinila niya ako paupo sa silya malapit sa table at umupo naman ito sa bakanteng upuan sa tapat ko. "So ibig mong sabihin may iba kang teorya?"

Ngumiti ito at tumango-tango. "Tama! My theory is that the reason why you don't know any work--no offense meant, is because you came from a well-provided family."
"You do have a point."

Bigla itong pumalakpak. "See? That's it!" anito na nakaturo sa akin at tuwang tuwa. "You speak English and you do understand what I'm practically saying. Plus, the way you carry yourself is different from others."

[Mini Series] Seasons: WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon